El Filibusterismo
Ang nobelang El filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong 29 Marso 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong 22 Setyembre 1891.
Ang nasabing nobela ay pampolitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.
Tauhan ng
EL FILIBUSTERISMO
- Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
- Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.
- Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.
- Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
- Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
- Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
- Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.
- Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.
- Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.
- Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
- Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.
- Padre Florentino - ang amain ni Isagani
- Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta
- Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
- Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
- Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
- Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
- Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
- Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
- Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
- Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
- Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
- Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.
- Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.
- Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
- Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio.
- Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.
- Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
- Gertrude - mang-aawit sa palabas.
- Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.
- Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.
Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.
Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si Simoun na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni Simoun na patayin si Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral.
Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay sapagka't napag-alamang ang mamamahala sa akademyang ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.
Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.
Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.
Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.
Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.
Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng bahay ng pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang bahay na yaong di malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay sisinod sana nguni't namalas niyang dumatng si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas nguni't di siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subali't hindi rin napatinag ang binatang ito.
"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob, ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa."
Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas sya sa bahay ni Pari Florentino, sa baybayin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang mapagabot ng mga alagad ng batas ang mag-aalahas,
uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang buhay. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang pagkatao at isinalaysay niya sa dito ang malungkot na kasaysayan ng kanyang buhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang Pamahalaan at makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun.
Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang naging kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga bukto't na Gawain ay itinapon ni Pari Florentino sa karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni Simoun.
Kabanata1
Sa Ibabaw ng Kubyerta
Umaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig ay sumasalunga ang Bapor
Tabo. Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, P. Irene, P. Salvi,
Donya Victorina, Kap. Heneral at Simoun.
Napag-usapan ang pagpapalalim ng ilog Pasig. Mungkahi ni Don
Custodio: mag-alaga ng itik. Ani Simoun namang kilalang tagapayo ng Kap.
Heneral: Gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng
Maynila. Nagkasagutan sila ni Don Custodio at ng ilang pari. Ayaw ni Donya
Victorina na matuloy ang pag-aalaga ng pato dahil darami ang balot na
pinandidirihan niya.
Kabanata 2
Sa Ilalim ng Kubyerta
Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. Masikip sa pasahero
ang ilalim ng kubyerta. Naroon ang dalawang estudyate na pinakukundanganan ng
iba-si Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay ng manggamot at isang
katatapos pa lamang sa Ateneo, isang makata, si Isagani. Kausap sila Kap.
Basilio. Napag-usapan si Kap. Tiyago. Pinauwi raw siya, ani na naging tagapayo
ng kapitan nitong mga huling araw. Napaling ang usapan sa paaralang balak ng
mga estudyante ukol sa pagtuturo ng mga Kastila. Hindi raw ito magtatagumpay
ayon kay Kap. Basilio. Magtatagumpay, ayon sa dalawang binata. Lumayo ang
matandang Basilio. Napag-usapan si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani at
tukod ng ganda, mayaman at may pinag-aralan kaya nga lamang ay tiya si Donya
Victorina. Ipinahahanap ni Donya Victorina kay Isagani ang asawa , si De Espadaña,
na sa bahay pa ni Padre Florentino, amain ng binata, nagtatago.
Dumating si Simoun at kinausap ng magkabigan. Ipinakilala ni
Basilio kay Simoun si Isagani. Sinabi ni Simoun na di niya nadadalaw ang
lalawigan nina Basilio sapagka’t ang lalawigan nina Basilio sapagka’t ang
lalawigang ito’y mahirap at di makabibili ng alahas. Matigas na tumutol Si
Isagani at anya: Hindi kami namimili ng alahas dahil di namin kailangan.
Napangiti si Simoun. Nasabi raw niyang dukha ang lalawigan, dahil ang mga pari
sa simbahan ay Pilipino.
Nag-anyaya si Simoun sa pag-inom ng serbesa. Tumanggi ang
dalawa. Ayon kay Simoun, Sinabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino
ay dahil pala-inom ng tubig at di ng serbesa. Mabilis na tumugon si Basilio;
Sabihin ninyo kay Padre Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa halip ng
serbesa, marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan. At dagdag ni
Isagani: lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy; na kapag
pinainit ay sumusulak; nagiging malawak na dagatan at gumugunaw ng santinakpan.
Hindi niya pinakinggan ang pagsingkil ni Basilio.
Itinanong ni Simoun kung ano ang itutugon niya sakaling
itanong ni Padre Camorra kung kailan magiging sulak at malawak na karagatan ang
tubig. Tugon ni Isagani: Kapag pinainit ng apoy; sa sandaling ang mumunting
ilog na watak-watak ay magkakasamasama sa kailalimang hinuhukay ng tao.
Binigkas ni Basilio ang isang tula ni Isagani na rin ukol sa pagtutulong ng
apoy at tubig sa pagpapatakbo sa makina (steam engine). Pangarap daw ayon kay
Simoun dahil ang makina ay hahanapin pa.
Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang lubusan ni
Isagani ang mag-aalahas na tinawag na Kardinal Moreno. May dumating na utusan.
Ipinatawag ni Padre Florentino ang pamangkin. Nguni’t nakita ng kapitan si
Padre Florentino at ito’y inanyayahang pumanhik sa ibabaw ng kubyerta.
Kabanata 3
Ang mga Alamat
Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan na ang nangasa
kubyerta. Nagdaraingan ang mga prayle sa pagkamulat ng mga Pilipino at
pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan. Dumating si Simoun. Sayang daw at di
nakita ni Simoun ang mga dinaanan ng bapor. Kung wala raw alamat ay walang
kuwenta sa kanya ang alinmang pook ayon kay Simoun. Isinalaysay ng kapitan ang
alamat ng Malapad-na-bato. Ito raw ay banal sa mga katutubo noong una bilang
tahanan ng mga espiritu. Nang panahanan daw ng mga tulisan ay nawala ang takot
sa espiritu, nasalin sa mga tulisan.
Sinabi ng Kapitan na may isa pang alamat na ukol kay Donya
Geronima. Si Padre Florentino ang nahingang magkuwento. May magkasintahan daw
sa Espanya. Naging arsobispo sa Maynila ang lalaki. Nagbabalatkayo ang babae.
Naparito at hinihiling sa arsobispo na sundin nito ang pangako pakasal sila.
Iba ang naisip ng arsobispo. Itinira ang babae sa isang yungib na malapit sa
Ilog Pasig.
Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit si Donya
Victorina na ibig ding manirahan sa kuweba. Tinanong ni Simoun si Padre Salvi.
Sa inyong palagay, hindi ba higit na mainam ay ilagay sa isang beateryo tulad
ni Sta. Clara? Hindi raw siya makakahatol sa mga ginawa ng isang arsobispo,
ayon kay padre Salvi. At upang mabago ang paksa ay isinalaysay ang alamat ni
San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwayang naging
bato nang dasalan ng intsik ang santo.
Nang datnan nila ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa
Kapitan kung saan sa lawa napatay ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra.
Itinuro ng Kapitan. Naghanap si Donya Victorina ng bakas ng
pagkamatay ng tubig labingtatalong taon matapos mangyari iyon. Nakasama raw ng
ama ang bangkay ng anak, ani Padre Sibyla. Iyon daw ang pinakamurang libing,
ayon kay Ben Zayb. Nagtawanan ng iba! Si Simoun ay namumutla at walang kibo.
Ipinalagay ng Kapitan na si Simoun ay nahilo dahil sa paglalakabay.
Kabanata 4
Kabesang Tales
Si Tandang Selong umampon kay Basilio sa gubat ay matanda
na. Ang ama ng dalagang si Lucia, si Kabesang Tales, na anak ni Tandang Selo,
ay isa nang kabesa de baranggay. Yumaman ito dahil sa tiyaga. Nakisama muna sa
isang namumuhunan sa bukid. Nang makaipon ng kaunti ay naghawaan ng gubat na
nang ipagtanong niya ay walang may-ari, ar ginawa niyang tubuhan. Inisip niyang
pag-aralin na sa kolehiyo si Huli upang mapantay kay Basilio na kasintahn nito.
Nang ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle. Pinabuwis si Kabesang
Tales. Tinaasan nang tinaasan ang pabuwis. Di na nakaya ni Kabesang Tales.
Nakipag-asunto sa mga prayle.
Matigas ang sabi ni Kabesang Tales. Ipinakita ng mga prayle
ang kanilang titulo sa lupa. Wala. Naging kawali si Tano. Di ibinayad ng
kapalit ang anak. Anya: Binungkal ko’t tinamnan ang lupang ito, namatay at
nalibing dito ang aking asawa’t anak na dalaga {si Lucia} sa pagtulong sa akin
kaya’t di ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng
kanyang dugo at maglilibing muna ng kanyang asawa’t mga anak. At anya pa rin
ukol sa pagiging kawal ni Tano, ako’y bumabayad sa abogado. Kung mananalo ako
sa asunto ay alam ko na ang aking gagawin upang siya’y mapabalik; nguni’t kung
ako’y matalo, di ko na kailangan ang anak.
Tinanuran ni Kabesang Tales ang kanyang bukid. Lagi siyang
may pasang baril. Di makapasok doon ang sino man dahil balita si Kabesang Tales
sa pagbaril. Nagdala siya ng gulok. Balita sa arnis ang kabesa. Ipinagbawal ang
gulok. Nagdala siya ng palakol. Si Kabesang Tales ay nahulog sa kamay ng mga
tulisan at ipinatubos. Isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas liban sa isang
locket o agnos na bigay sa kanya ni Basilio. Hindi rin nakasapat ang panubos.
Ipinasyang mangutang kay Hermana Penchang at maglingkod dito bilang utusan.
Noon ay bisperas ng Pasko. Kinabukasan. Araw ng Pasko ay maglilingkod na siyang
alila. Masalimuot ang naging panaginip ni Huli nang gabing iyon.
Kabanata 5
Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Gabi na’t inilalakad na ang prusisyong pang-noche buena nang
dumating si Basilio sa San Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng
kutsero ang sedula nito at ito’y kinakailangang bugbugin muna ng mga guwardiya
sibil.
Idinaan ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-matandang taong
nabuhay sa mundo. Kasunod na idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago.
Nakapagpaalaala kay Sinang ang itim na Haring Melchor. Itinanong kay Basilio
kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng
San Mateo. Kasunod sa prusisyon ang mga batang malulngkot sa pag-ilaw. Si San
Jose naman. Kasunod naman ay mga batang may mga parol. Nasa dulo ng prusisyon
ang Birhen.
Natapos ang prusisyon. Napuna ng mga sibil na walang ilaw an
parol ng karitela. Pinarusahan uli ng mga sibil ang kutsroong si Sinong.
Naglakad na lamang si Basilio.
Tanging bahay ni Kap. Basilio ang tila masaya sa mga
nadaraanan ni Basilio. May mga manok na pinapatay. Nasilip ni Basilio na ang
Kapitan ay nakikipag-usap sa kura, sa alperes, at kay Simoun.. nagkakaunawaan
na tayo, G. Simuon, ani Kapitan Basilio, Tutungo tayo sa Tiani upang tingnan
ang inyong mga alahas. Nagbilin ng isang kairel sa relo ang alperes. Isang
pares na hikaw naman ang ipinakikibili’ ng kura. (Bakit kaya hikaw?)
Nasabi ni Basilio s sarili na si Simuon ay may
kasindak-sindak na pagkatao. Ang lahat ay nakapaghahanap-buhay sa bayang ito
maliban sa amin.
Sa bahay ni Kap. Tiyago ay iginagalang si Basilio, lalo na
ng matandang utusan, nang makitang tumistis ng isang maysakit si Basilio na
parang walang ano man.
Ibinigay ng mga utusan ang mga ulat. Mga kalabaw na namatay,
mga katulong na napipiit at namatay ang matandang nagtatanod sa gubat.
Nanghinayang si Basilio nang mabatid na sa katandaan namatay ang matanda.. Ibig
niyang makatistis ng tao. Ang huling balita’y ukol sa pagkadukot ng mgs tulisan
kay Kab. Tales. Di nakakain ng hapunan si Basilio.
Kabanata 6
Si Basilio
Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena si Basilio ay
palihim na nagtungo sa gubat. Paliit ang buwan. Kaya’t paaninaw na tinungo ni
Basilio ang libing ng kanyang ina. Ipinagdasal ang kaluluwa ng ina at gunita ng
nakaraang may 13 taon.
Namatayan ang kanyang ina. May dumating na lalaking sugatan.
Pinahakot siya ng kahoy na ipansusunog sa bangkay ng ina at ng sugatang lalaki.
May dumating pang isang lalaki. Tumulong ito sa pagtatalsakan ng kahoy at
paglilibing sa kanyang ina.
Umalis siya sa gubat. Lummuwas ng Maynila. Maysakit at
gulanit ang damit. Ninais nang pasagasa sa mga karuwahe dahil sa hirap at
gutom. Natagpuan niya sina Kap. Tiyago na katatpos dalhin sa beateryo si Maria
Clara. Kinuha siyang katulong o utusan. Ping-aral sa Letran. Unang taon: wala
siyang nabibigkas kundi ang pangalan niya at ang salitang adsum o narito po.
Minaliit siya dahil sa luma at gulanit na suot. Gayunman ay lagi siyang
nagsasaulo ng leksiyon. At nang matuos niyang sa tatlo o apat na paraan sa
kanyang klase ay may 40 lamang ang nagtatanong di na sumama ang loob niya. Nang
magsulit, natugon niya ang tanong sa kanya at ang marka niya para sa unang taon
ay aprovado. Ang siyam niyang kasamahan sa pagsusulit ay nangag-ulit na lahat.
Ikatlong taon. Naisipan ng professor na Dominiko ang
pagtanong kay Basilio na akala niya’y tanga upang magpatawa sa klase. Natugon
ni Basilio ang tanong. Parang loro siya sa pagsagot. Noo’y di na tinanong si
Basilio. Bakit pa tatanugin ito’y di naman nakapag-papatawa sa klase? Nawalan
ng sigla sa pag-aaral si Basilio. Nguni’t isang professor niya ang nasiyahang
tumanggap ng hamon ng mga kadete sa isang pasyalan at nagyakag ng mga
estudyante niya na inilaban niya sa mga kadete sable laban sa baston. Namayani
si Basilio sa labanan. Nakilala ng professor. Nang magtapos: sobresaliente at
may mga medalya pa.
Muhi si Kap. Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si
Maria Clara. Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal. Malaki ang natutuhan ni
Basilio. Nagsulit siya sa pagkabatsilyer. Ipinagmalaki siya ng kanyang mga
profesor. Nakasulit siya at kumuha ng medisina. Pagkatapos, naging matiyaga at
masigasig sa pag-aaral si Basilio. Kaya di pa man nakakatapos ay nakapanggamot
na siya. At huling taon na ng pag-aaral ni Basilio. Pagkatapos niya’y pakaksal
na sila ni Huli.
Kabanata 7
Si Simoun
Pauwi na sana si Basilio nang may marinig siyang mga yabag
at liwanag na palapit. Nangubli siyan sa puno ng baliti. Sa kabila ng puno
tumigil ang dumating. Nakilala ito ni Basilio-ang mag-aalahas nang mag-alis ito
ng salamin. Nangsimulang maghukay si Simoun sa tulong ng isang asarol. Naalaala
si Basilio. Ito ang taong tumulong sa paglilibing sa kanyang ina at sa pagsunog
sa isa pang lalaking doon namatay. Nag-isip si Basilio. Sino sa dalawang
lalaking ito ang namatay o ang buhay na nagbubuhay Simoun- ang si Ibarra?
Napakita na kay Simoun si Basilio at nag handog ng pagtulong
bilang ganti sa tulong na ipanagkaloob nito nam ay 13 ton na ang nakalilipas.
Tinitutukan ni Simoun ng baril si Basilio. Sino ako sa palagay mo? tanong ng
mag-aalahas. Tugon ni Basilio. Kayo po’y isang taong mahal sa akin, kayo’y
ipinalalagay ng lahat, matangi sa akin, na patay na at ang mga kasawian sa
buhay ay madalas kong ikinalulungkot. Lumapit si Simoun sa binata. Aniya:
Basilio, ika’y naghahawak ng isang lihim na maaring magpangayaya sa akin, at
ngayo’y natuklasan mo pa ang isa na kung mabubunyag ay ikasisira ng aking mga
balak. At sinabi ni Simoun na dapat ay patayin na niya si Basilio upang iligtas
ang kanyang layunin. "Gayunman, hindi ko marahil pagsisihan na ika’y di ko
patayin. Gaya ko rin ay may dapat kang ipakipagtuos sa lipunan. Ikaw at ako ay
uhaw sa katarungan Dapat tayong magtulungan.
At inamin ni Simoun na siya nga si Ibarra. Isinalaysay nito
ang pagkakapaglibot sa buong daigdig upang magpakayaman. Nagbalik upang ibagsak
ang pamahalaang marumi sukdang ipagdanak ng dugo. Siya raw ay sadyang
nagpapalala sa pag-iimbot at pagmamalabis ng taong pamahalaan at simbahan upang
gisingin ang damdamin ng bayan sa paghihimagsik.
Nguni’t sinuwatan niya sina Basilio at mga kasamahan na
nagbabalak magtayo ng paaralan ng Wikang Kastila at humihinging gawing
lalawigan ng Espanya ang pilipinas at bigyan ng pantay na karapatan ang mga
Kastila at Pilipino. Ito raw ay magbibigay daan sa Pilipinas sa pagiging bayang
walang sariling pagkukuro, walang kalayaan at pati kapintasan ay hiram dahil sa
pagpipilit manghiram ng wika. Ibig raw nina Basilio na matulad ang Pilipinas sa
mga bansang magugulo sa Timog Amerika (South Amerika).
Ayon kay Basilio ang kastila ay isang wikang
magbubuklod-buklod sa mga pulo ng Pilipinas.
Ito’y pinabulaan ni Simoun. Anya: Ang kastila kailanman ay
di magiging wikang pangkalahatan sa bayang ito ; sapagka’t sa mga kulubot ng
kanyang isip at sa pintig ng kanyang puso ay wala ang mga akmang pananalita sa
wikang iyan. Iilan lamang daw ang nakapagsasalita ng Kastila. At ang iilang ito
ay mawawalan ng sariling kakayahan, magpapailalim sa ibang utak, paaalipin.
Tinuligsa ni Simoun ang mga pangkat na naghahangad luminang sa wikang Kastila
at di sa kaalamang magsalita o sumulat sa sarili nilang wika. Tinuligsa rin
niya ang mga nagpapanggap na di sila maalam magsalita at umunawa ng sariling
wika.
Mabuti, ani Simoun, at hangal ang pamahalaang Kastila na
ayaw magpaturo ng wika nito sa mga nasasakupang di tulad ng Rusya at Alemanya.
Ani Simoun: Kayo’y nakalilimot na habang ang isang bayan ay may sariling wika,
napananatili rin nito ang kanyang paglaya. Ang wika ay isang pag-iisip ng bayan
.
Inihimutok ni Simoun na ang kilusan ng kabataan sa
pagpapaturo ng Kastila ay ipinagdurusa ng kanyang loob. Naniniwala siyang
matapat sa kabataang ito ang paniniwala na sa kapakanan ng bayan ang kanilang
ginagawa. Ninais niyang kausapin sina Isagani at Macaraeg. Nguni’t baka di siya
pakinggan ng mga ito. Naisip rin niyang pagpapatayin ang mga ito.
Nagpatuloy si Simoun ukol sa kilusang ibinunsod ng kabataan
Bukod sa isang pag-aaksaya ng panahon ay nilinlang ninyo ang bayan sa pag-asa
sa wala at tinutulungan ninyong magyuko ng ulo sa mga mapangamkam. Ayaw silang
matulad kayo sa mga Kastila? Napakabuti! Paunlarin ninyo ang katutubong ugali.
Ayaw kayong bigyan ng kinatawan sa Kortes? Mabuti. Ano ang magagawa ng isang
tinig sa karamihan? Habang nagmamaramot sila sa pagbibigay ng karapatan sa inyo
lalong malaki ang matatamo ninyo pagkatapos upang ibagsak sila at gantihan ng
sama ang sama. Ayaw ituro sa inyo ang kanilang wika, paunlarin ang isang
katutubong wikain nang mawala ang pagtatangi-tangi at magkaroon ng mga layuning
pambansa. Huwag hayaang magpalagay ang Kastila na sila ang panginoon dito at
sila’y bahagi ng bayang ito kundi manlulupig at dayuhan. Sa gayo’y matatamo
ninyo ang paglaya. Iyan ang dahilan at binayaan ko kayong mabuhay!
Nakahinga si Basilio. Aniya’y di siya pulitiko. Lumagda siya
sa kahilingan ukol sa paaralan dahil inaakala niyang iyo’y mabuti. Sa
panggagamot daw siya nakaukol.
Sa kasalukukuyang kalagayan daw ay di makapanggagamot nang
mahusay si Basilio ayon kay Simoun. Ang sakit ng bayan ay siyang higit
nangangailangan ng kagamutan. Walang halaga ang buhay na di nauukol sa isang
layuning dakila, parang isang bato sa linang sa halip maging sangkap sa isang
gusali.
Ani Basilio pinili niya ang siyensiya para makapaglingkod sa
bayan. Nauwi sa kadakilaan ng karunungan ang pag-uusap. Ang karunungan ay
panghabangpanahon, makatao at pandaigdig. Sa loob ng ilang daantaon, kapag ang
sangkatauhan ay tumalino na, kung wala nang lahi-lahi, lahat ng bayan ay malaya
at wala nang mang-aalipin at napaaalipin, iisa na ang katarungan at lahat ng
tao’y mamamayan na ng daigdig at ang tanging layunin ng tao ay pagkakamit ng
karunungan, ang salitang kagitingan at pag-ibig sa bayan ituturing na
panatisismo o kabaliwan at ikabibilanggo ng nagsasabibig nito.
Napailing si Simoun. Upang makaabot daw sa kalagayang sinabi
ni Basilio ang daigdig kailangan munang lumaya ang mga tao at ito ay
nangangailangan namang pagpapadanak ng dugo upang ang mga sinisikil ay makalaya
sa mapaniil. Pangarap lamang daw ang kay Basilio. Ang kadakilaan ng tao ay di
magagawa sa pagpapauna sa kanyang panahon kundi nasa pagtugon sa kanyang pangangailangan
at hangarin sa pag-unlad.
Napuna ni Simoun na hindi naantig ang kalooban ni Basilio.
Inulos niya ng tuya si Basilio. Sinabi ni Simoun na walang ginagawa si Basilio
kundi tangisan ang bangkay ng ina na parang babae. Paano ako makapaghihiganti?
tanong ni Basilio. Ako’y dudurugin lamang nila. Sinabi ni Simoun na tutulungan
siya. Hindi na raw bubuhayin ng paghihiganti ang ina o kapatid niya, tugon si
Basilio. Ano ang mapapala ko kung sila’y ipaghihiganti? .
Makatulong sa iba nang di magdanas ng gayon ding kasawian,
tugon ni Basilio. Ang pagpapaumanhin ay di laging kabaitan, ito’y kasalanan
kung nagbibigaay-daan sa pang-aapi. Walang mang-aalipin kung walang paaalipin.
At ipinaalaala ni Simoun na sa pag-aaral ni Basilio ay maaaring danasin nito ang
dinanas ni Ibarra. Nagtaka si Basilio. Siya na raw ang inapi ay siya pa ang
kamumuhian. Likas sa tao ang mamuhi sa kanyang inaapi, ani Simoun. Nguni’t di
ko sila pinakikialaman; pabayaan nila akong makagawa at mabuhay. Tugon ni
Basilio na sinundan ni Simoun ng:
At magkaanak ng mababait na alipin Ang mga damdaming mabuti
o masama ay namamana ng anak. Kayo ay walang hangad kundi isang munting
tahanan, kaunting kaginhawahan, isang asawa; isang dakot na bigas; at iyan ang
mithiin ng marami sa Pilipinas, at kung iyan ay ibigay sa inyo, ituturing
ninyong kayo’y mapalad na.
Magmamadaling araw na. Matapos sabihing di niya
pinagbabawalan si Basilio sa pagbubunyag ng kanyang lihim ay sinabing kung may
kailangan si Basilio ay magsadya lamang ito sa kanyang tanggapan sa Escolta.
Nagpasalamat si Basilio. Naiwan si Simoun na nag-iisip: Di kaya niya napaniwala
si Basilio sa paghihiganti o may balak itong maghiganti nguni’t naglilihim
lamang at nais sarilinin iyon o sadyang wala nang hangad maghiganti. Lalong
nagtumining sa loob ni Simoun ang matinding nasa na makapaghiganti.
Kabanata 8
Maligayang Pasko
Hindi naghimala ang birhen. Di nagbigay ng karagdagang
salaping kailangan ni Huli. Natuloy si Huli sa pagpapaupa kay Hermana Penchang.
(Iyon ay araw ng Pasko). Sa sama ng loob ay napipi si Tandang Selo.
Kabanata 9
Ang mga Pilato
Pinag-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo at kung
sino ang may kasalanan sa ipinagkagayon ng matanda.
Ang alperes o tenyente ng guardia sibil? Ano raw ang
kasalanan niya? Kaya lamang daw niya sinamsam ang mga sandata ay utos sa kanya
iyon, hindi upang bigyan ng pagkakataon ang mga tulisan upang madukot si
Kabesang Tales. At di raw niya kasalanan kung di man matagpuan si Kabesang
Tales.
Ang asenderong bagong gumagawa ng lupa ni Kabesang Tales?
Paano raw niya isusuplong ang pagdadala ni Kabesang Tales ng armas e kung
tingnan siya’y parang pinipili ang pinakamabuting patamaan sa kanya. Kung
namalagi raw si Kabesang Tales sa bahay ay di sana nadukot ng mga tulisan.
Si Hermana Penchang na bagong panginoon ni Huli? Ang may
sala raw ay si Tandang Selo na rin na may kasalanan dahil di marunong magdasal
at di nagturo ng wastong pagdarasal sa mga kaanak na tulad ng ginagawa niya
ngayon kay Huli na tinuturuan niya ng dasal at pinababasa niya ng aklat na.
Tandang Basyong Makunat. Nang mabalitaang tutubusin ni Basilio ang kasintahan
ay nagsabing si Basilio ay isang demonyong nag-aanyong estudyante na ibig
magpahamak sa kaluluwa ng dalaga.
Nakauwi si Kabesang Tales sa tulong ng salaping napagbilhan
ng mga alahas ni Huli at nautang ng dalaga kay Hermana Penchang. Nabatid niyang
iba na ang gumagawa ng kanyang lupa, nagpaupang utusan si Huli, pipi ang amang
si Tangdang Selo, at pinaalis siya sa kanyang bahay, sa atas ng hukuman at sa
katuwaan ng mga kura at gugmawa ng lupa. Si Kabesang Tales ay naupo sa isang
tabi at nanatiling walang kibo.
Kabanata 10
Kayamanan at Karalitaan
Sa bahay ni Kabesang Tales nakipanuluyan si Simoun. Ito’y
nasa pagitan ng San Diego at Tiyani. Nagdarahop si Kabesang Tales ngunit dala
nang lahat ni Simoun ang pagkain at ibang kailangan at dalawang kaban ng mga
alahas.
Ipingmalaki ni Simoun ang kanyang rebolber kay Kabesang
Tales. Nagdatingan ang mga mamimili ng alahas. Si Kapitan Basilio, ang anak na
si Sinang at asawa nito, Si Hermana Penchang mamimili ng isang singsing na
brilyante para sa birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun ang dalawang maleta ng
alahas. Mga alahas na may iba’t ibang uri, ayos, at kasaysayan.
Napatingin si Kabesang Tales sa mga alahas ni Simoun.
Naisisp niyang parang sa tulong ng kayamanang iyon ay tinutudyo siya ni Simoun,
nilalait ang kanyang kapahamakan. Sa bisperas pa naman ng araw ng kanyang
pag-alis sa bahay niyang iyon isa lamang pinakamaliit sa mga brilyanteng iyon
ay sapat nang pantubos kay Huli at makapagbigay ng kapanatagan sa matanda na
niyang ama. Wala namimili isa man sa mga nagsitawad sa mga luma ang
makasaysayang alahas ni Simoun.
Inilibas ni Simoun ang mga bagong hiyas. Dito namili sina
Sinang at iba pa. Siya raw ay namimili rin ng alahas, ani si Simoun. Tinanong
si Kabesang Tales kung may may ipabibili. Iminungkahi ni Sinang ang kuwintas.
Tinawaran agad ni Simoun ng makilalang iyon nga ang kuwintas ng kasintahang
nagmongha. Limandaang piso. O ipagpalit ng Kabesa sa alin mang hiyas na
maibigan niya. Nag-isip si Kabesang Tales. Ani Hermana Penchang ay di dapat
ipagbili iyon dahil minabitu pa ni Huli ang paalila kaysa ipagbili iyon.
Isinangguni raw muna ni Kabesang Tales sa anak ang bagay na iyon. Tumango si
Simoun.
Ngunit nang nasa labas na ng bahay ay natanaw ni Kabesang
Tales ang prayle at ang bagong gumagawa ng lupa. Nangagtawanan pa iyon ng
makita si Kabesang Tales. Tulad niya ay isang lalaking nakita ang kanyang asawa
na kasama ang ibang lalaki at pumasok sa isang silid at nangagtatatwanang
inaglahi ang kanyang pagkalalaki. Bumalik ng bahay si kabesang Tales. Sinabi
kay Simoun na di niya nakausap ang anak.
Kinabukasan, wala si Kabesang Tales. Gayundin ang rebolber
ng mag-aalahas-wala sa kaluban at ang naroroon ay isang sulat at kuwintas ni
Maria Clara. Humingi ng paumanhin si Kabesang Tales sa pagkakahuha ng baril na
kailangan daw niya sa pagsapi niya sa mgas tulisan. Pinagbilinan si Simoun na
mag-ingat sa paglakad sapagkat pagnahulog ang mag-aalahas sa kamay ng mga
tulisan ay mapapahamak ito. Ani Simoun-sa wakas ay natagpuan ko ang taong aking
kailangan: Pangahas ngunit mabuti nga ito-marunong tumupad sa mga pangko.
Dinakip ng mg a guwardiya sibil si Tandang Selo. Natutuwa si
Simoun. Tatlo ang pinatay ni Kabesang Tales ng gabing iyon. Ang prayle, ang
lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa nito ay nagkaroon ng madugong pagkamatay-putol
ang leeg at puno ng lupa ang bibig. Sa tabi ng bangkay ng babae ay may papel na
kinasusulatan ng Tales na isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo.
Kabanata 11
Los Baños
Ang Kap. Heneral ay nangaso sa Bosoboso. May kasama siyang
banda ng musiko sapagka’t siya ang pangalawang patrono real ng Pilipinas o
kinatawan ng patrono real ng hari. Walang nabaril na ibon o usa ang Kapitan
heneral. Ibig na sanang pagbihisang- usa ang isang tao. Mabuti na raw iyon
sapagka’t maawain siya sa hayop. Ang totoo’y natutuwa siya’t di makikita na di
siya makatatama ng ibon o usang babarilin. Nagbalik sila sa Los Banos.
Noo’y ika-31 ng Disyembre.
Naglalaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los-Banos ang
Kapitan Heneral, si Padre Sibyla at Padre Irene. Galit na galit naman si Padre
Camorra. Hindi alam ng huli na kaya nagpapatalo ang dalawang kura ay sapagka’t
nais nilang makalamang sa isa sa pakikipag-usap sa Kapitan ukol sa paaralan ng
kastilang balak ng kabataan.
Samantalang nagsusugal ay pinag-aralan at pinasyahan ng
Kapitan ang mga papeles ng pamamahala na inisa-isa ng kalihim pagpapalit ng
tungkulin, pagbibigay ng biyaya, pagpapatapon at iba pa. Saka na ang ukol sa
paaralan ng kastila. Naroon si Don Custodio at isang prayleng Dominiko- si
Padre Fernandez.
Nagalit si Padre Camorra dahil sa isang sinadyang maling
sugal ni Padre Irene na ikinapanalo ng Kapitan. Punyales, si Kristo na ang
makipagsugal sa inyo! ani Padre Camorra at tumayo na.
Si Simoun ang pumalit kay Padre Camorra. Siya ay biniro ni
Padre Irene na kanyang itaya ang kanyang mga brilyante. Pumayag si Simoun. Wala
raw namang maitataya ang kura. Ani Simoun: Ako’y babayaran ninyo ng pangako.
Kayo Padre Sibyla, sa bawat limang bilang ay mangangako na kayo’y di kikilala
sa karalitaan, kababaang loob, at pagsunod sa kabutihang asal (magmamalabis
siya sa maluhong pamumuhay at paggugol, di siya magpapakita ng awa sa mga
dukha, at di siya susunod sa mga tuntunin ng kabutihang asal.); at kayo, Padre
Irene, sasabihin lamang ninyo na lilimutin ninyo ang kalinisang ugali, ang awa
sa kapuwa, at iba pa. Sa maliit na hinihingi ko’y kapalit ang aking mga
brilyante. At ito (tinapik pa ang Kapitan Heneral), sa limang bilang ay isang
vale na limang araw sa piitan (karapatan ni Simoun na mapabilanggo sa isang tao
nang limang araw); isang pag-papapiit sa limang buwan; isang utos na
pagpapatapon na walang nakasulat na pangalan; karapatan sa isang madaliang utos
na pagpapabaril sa iasng taong pipiliin ko at iba pa.
Sa kakaibang kundisyong ito ng pagsusugal ay napalapit sina
Don Custodio , Padre Fernandez at ang Mataas na Kawani. Ang huli ay nagtanong
kung ano ang mapapala ni Simoun sa kanyang mga hiling.
Para raw luminis ang bayan at maalis na lahat ang masasamang
damo, tugon ni Simoun.
Ipinalalagay ng nangakarinig na ang gayong kaisipan ni
Simoun ay gawa ng pagkaharang sa kanya ng mga tulisan. Sinabi naman ni Simoun
na nang pigilan siya ng mga tulisan ay walang kinuha sa kanya kundi ang 2
niyang rebolber at mga bala. Kinumusta pa raw ang heneral. Marami raw baril ang
tulisan . Anang heneral ay ipagbabawal niya ang mga sandata. Ani Simoun: Huwag.
Ang mga tulisan ay marangal; sila ang tanging marangal na kumikita ng
ikabubuhay nila. Halimbawa, pawawalan ba ninyo ako nang di man lang kukunin ang
aking mga alahas ? Ang kasamaan ay wala sa mga tulisan sa bundok nasa mga
tulisan sa bayan at siyudad.
Gaya ninyo, ani Padre Sibylang nakatawa.
Gaya natin , ganti ni Simoun, Tayo nga lamang ay mga
di-hayagang tulisan.
Ika-11:30 na. Itinigil ng heneral ang laro at parunggitan.
May kalahating oras pa’t manananghali na marami pa tayong suliraning
pag-uusapan.
Ipinasiya ng heneral na ipagbawal ang armas de salon
(sandatang pampalamuti sa salas). Tumutol ang Mataas na Kawani. Wala raw bansa
sa daigdig na nagbabawal niyon. Manok lang daw ang kayang patayin niyon. Laging
sinasalungat ang heneral ng Mataas na Kawani. Walang nangyari sa pagtutol ng
huli. Nagbigay ng payo si Simoun. Huwag ipagbawal ang armas de salon liban sa
iisang sukat na kasalukuyang nabibili noon. Ito ang nasunod.
Sunod na pinag-usapan ang suliranin ng paaralan sa Tiyani.
Ang guro ay humihingi ng bahay-paaralan. Ani Padre Sibyla si Socrates ay
nagturo sa plasa, si Plato sa ilalim ng mga kahoy at si Hesus ay sa mga bundok.
Pilibustero raw ang guro sa Tiyani, ayon kay Padre Camorra. Ipinasiya ng
heneral na pigilin sa pagtuturo ang guro. Tumutol ang Mataas na Kawani.
Anang heneral ay di dapat humusay pa sa Espanya ang mga
paaralan pa sa Pilipinas. Sa susunod , dugtong pa nito, lahat ng daraing ay
pipigilin sa tungkulin.
Ipinayo ni Don Custodio na gawing paaralan ang sabungan.
Kung linggo at pista lang lang daw ginagamit at pinakamaayos na gusali, ang mga
sabungan. Kung simpleng araw daw ay nakatiwangwang lamang.
Pinutol ng heneral ang pagtatalo. Pag-aaralan daw niya.
Isinunod ang balak na paaralan ng kabataan ukol sa Wikang Kastila. Anim na
buwan nang naghihintay ito ng pagpapasiya.
Tinanaong ng heneral ang kawani Sang-ayon ang tinanong.
Pinuri ang balak ng kabataan. Tumutol sa balak si Padre Sibyla. Wala raw sa
panahon at isang paghamak sa mga Dominiko. Ayon kay Simoun ay kahina-hinala ang
balak. Iniisip ni Padre Irene na tagapagsalita ng kabataan para sa paaralan na
wala nang pag-asa ang paaralan. Tutol si Simoun. Ipinasyang huwag nang
magsalita.
Inisa-isa ang kabataang may panukala ng paaralan. Si Isagani
raw ay mahilig sa pagbabago at pagsulong kaya’t mapanganib. Ipinagtanggol ni
Padre Fernandez si Isagani. Ani Padre Camorra, ang binata ay bastos. Sa bapor
da ay itinulak niya at siya’y itinulak din nito.
Ang mayamang si Macaraig na paborito ni Padre Irene ay may
taga- tangkilik na isang kondesa kaya’t di ito pinag-usapan. Isinunod si
Basilio. Tubig na tulog daw ito, ayon kay Padre Irene. Tahimik daw at may
pinagmulang si Padre Salvi ang higit na nakaaalam(ngunit wala si Padre Salvi.)
Tila raw nakabangga na ito ng mga sibil at may ama itong napatay sa isang
paghihimagsik. Itala raw ang pangalan ni Basilio, utos ng heneral. Tumutol ang
kawani. Ipinagtanggol ang kabataan. Tumango sina Padre Fernandez, Padre Irene
at Don Custodio.
Tumutol si Padre Camorra: Ang mga Indiyo ay di dapat matuto
ng kastila at pagnatuto ay makikipagtalo sa mga kastila.
Ani Padre Sibyla: Hindi pinag-uusapan dito ang pagtuturo ng
kastila: dito ay may isang lihim ng paghahamok ng mga estudyante at ng
Unibersidad ng Sto. Tomas. Pag nasunod ang kanila, natalo kami (mga Dominiko),
yayabang ang mga iyan at tuloy-tuloy na. Pagkatapos naming bumagsak, isusunod
nila ang Pamahalaan.
Nagsalita si Padre Fernandez na isa ring Dominiko:
Pulitikahin natin sila para di nila masabing tinalo nila tayo. Sa halip na
labanan natin sila ay sang-ayunan natin at purihin sa balak nila. Bakit
makikipagkagalit tayo sa Bayan; kakaunti tayo, marami sila. Kailangan natin
sila, tayo’y di nila kailangan. Ngayo’y mahina ang bayan. Ngunit
bukas-makalawa’y lalakas iyan. Matuwid ang mga kahilingan ng mga estudyante.
Kikilala pa sila sa atin ng utang na loob. Gumaya tayo sa mga Hesuwita.
Lalong nagalit si Padre Sibyla nang mabanggit ang hesuwita.
Nagsabad- sabaran ang magkakaharap at di naunawaan ang lahat. Pumasok ang kura
sa Los Banos upang sabihing nakahanda na ang pananghalian.
Siyang pagbulong ng mga Kawani sa Heneral. Ang anak noong si
Kab. Tales ay humihiling na palayain ang kanyang nuno na napipiit kapalit ng
ama.
Kumatig si Padre Camorra sa pagpapalaya. Sumang-ayon ang
Heneral.
Kabanata 12
Placido Penitente
Malungkot na patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si
Placido Penitente sapagkat ibig na niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi
na niya sa 2 sulat niya sa ina. Pinakiusapan nga lamang siya ng ina na kahit
batsilyer sa artes ay matapos niya.Nasa ikaapat na taon na siya.
Ang paghahangad ni Placido na magtigil ng pag-aaral ay
palaisipan sa kanyang mga kababayang taga Tanawan. Siya ang pinakamatalino sa
bantog na paaralan ni Padre Valerio roon. Hindi naman siya sugarol, walang
kasintahang magyayayang pakasal, at laban sa mga aral ng Tandang Basyong
Makunat, masalapi.
Nagulat pa si Placido nang makapasok na siya sa Magallanes
(dating Sto.Domingo) at siya’y tapikin ni Juanito Palaez sa balikat. Si Palaez
ay mapaghangin at paborito ng mga guro. Anak ng mestisong Kastila. Mayaman. May
pagkakuba.
Kinumusta ni Juanito ang bakasyon ni Placido. Pagkatapos ay
ibinalita ang pagbabakasyon niya sa Tiyani, kasama si Padre Camorra. Nangharana
raw sila ng magagandang babae. Wala raw bahay na hindi nila napanhik. At may ibinulong
kay Placido na ikinamangha tila ng huli. Tanga raw si Basilio sa pagkakaroon ng
katipang tulad ni Huli. Pero susuko rin daw si Huli kay Padre Camorra.
Nagtanong ng leksyon si Palaez kay Penitente sapagkat noonh
lamang papasok ang kuba. Pulos walang pasok noong nakaraang mga araw. May
kaarawan ng guro, may pista ng santo, mayroong umambon.
Ang leksyon daw nila ay ukol sa mga salamin. Niyaya ni
Pelaez si Penitente na maglakwatsa. Tumutol ang huli. Nagpatuloy sila ng
paglakad. May naalala si Pelaez. Nang hingi ng abuloy para sa monumento ng
isang paring Dominiko. Nagbigay si Placido para magtigil na si Pelaez at alam
din ng Batangueno na nakatutulong ang gayong mga abuloy sa pagpasa ng
estudyante. Malapit na sila sa Unibersidad. Naroon si isagani na nakikipagtalo
ukol sa aralin. Ang ibang estudyante ay naniningin ng magagandang dalagang
nagsisimba. Namutla at namula sa lugod si Isagani nang magkulusan ang mga
mag-aaral at magtinginan sa isang bagong dating na victoria o karuwahe. Nakita
niya si Paulita Gomez, ang kanyang katipan, na kasama si Donya Victorina. Si
Donya Victorina ay ngumiti kay Juanito Pelaez. Si Tadeo na kaya lamang pumasok
sa paaralan ay upang alamin kung may pasok at kung mayroon ay aalis at
magdadahilang maysakit ngunit nakapapasa, sa anong himala ay napasunod kay
Paulita sa simbahan.
Nagpasukan na sa paaralan ang mga estudyante. Nguni’t may
tumawag kay Placido. Pinalagda si placido sa kasulatang tutol sa balak na
paaralan ni Macaraig. Hindi lumagda si Placido. Walang panahong basahin ang
kasulatan. Nalaala niya ang isang amain na nawalan ng mga pag-aari nang lumagda
sa isang kasulatang di binasa. Nguni’t sa matagal na pagpipilitan ay nahuli sa
klase si Placido Petinente. Pumasok parin si Placido. Hindi na patiyad.
Pinatunog pa ang takong ng sapatos. Inakala niyang ang pagkakahuli niya ay
pagkakataon na upang siya’y mapuna at makilala ng kanyang guro. Sila’y may
mahigit na 150 sa klase. At siya nga’y napuna ng guro na lihim na nagbanta.
Bastos magbabayad ka sa akin.
Kabanata 13
Ang Klase sa Pisika
Isang silid na taluhaba ang silid ng klase. Ang upuan ay
parang hagdan na tatlong baytang at nakapaligid sa 3 panig ng silid. Sa isang
dulo ng silid ay ang hapag ng guro na sa likod ay ang pisarang may nakasulat na
Viva! na naroon mula pa nang unang araw ng pasukan sa taong iyon. Walang
palamuti ano man ang mga dingding na bato. May mga kasangkapan sa pisika
nguni’t ito ay nakasusi sa isang aparador na may salamin at kung gamitin man ay
ipinakikita lamang sa klase mula sa malayo tulad ng Santisimo ng Pare. Iyon ay
ipinakikita lamang sa mga dayuhan upang di masabi ng mga ito na nahuhuli ang
UST sa ibang bansa sa kahusayan sa pagtuturo at kaya lamang di natututo ang mga
Pilipino ay dahil katutubo ang walang-katalinuhan.
Ang guro, si Padre Millon ay isang batang Dominikong
napabantog sa pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Iyon ang una niyang
pagtuturo ng pisika.
Unang tinanong sa klase ang isang antukin. Parang ponograpo
itong tumugon ng isang isinaulong leksiyon na ukol sa salamin, bahagi nito,
kauriang bubog o kalaing. Pinatigil ng guro ang estudyante. Pinilosopiya ang
musika. Kung kalaing, metal at bubog daw ang salamin ano raw uri ang kahoy na
may makintab na barnis o marmol na binuling maigi? Di tinugon ng estudyante ang
tanong. Ipinagpatuloy ang isinaulong aralin na parang plakang natigil at muling
pinaandar sa ponograpo. Pinatigil uli ang estudyante, muling tinanong sa sampay
bakod na kastila.
Binulungan ito ni Pelaez. Mali ang idinikta. Sinunod nito.
Natawa pati ang guro matapos insultuhin ang estudyante. Binigyan uli ng tanong
sa bahagi ng salamin. Kung ano ang ibabaw ay siyang salamin, bale wala ang
harapan; ang mahalaga’y ang nasa likuran. Di ba? Nalito ang estudyante. Lahat
ay sumesenyas na sumang-ayon na siya at nadiktahan siya ni Pelaez nang Concedo,
Padre, (sang-ayon Padre). Iyon ang itinugon ng estudyante.
Tanong uli ng prayle: Kung katkatin ang asoge sa likod at
palitan ng bibingka, ano mayroon?
Bulong ni Pelaez: Bibingka!
Tinawag ng propesor si Pelaez. Tumayo ang tinawag.
Napabubulong ito kay Placido. Sa katatapak sa paa ni Penitente ay napasigaw sa
sakit ang tagadikta. Siya ang tinatanong ng propesor matapos na siya’y murahin
at taguring espiritu sastre. Sinasabi ng aklat na ang mga salaming kalaing ay
binubuo ng tanso o ng iba pang kalaing, totoo o hindi? tanong ng guro.
Ganyan ang sabi ng aklat, Padre, tugon ni Placido.
Ang salaming bubog ay binubuo ng isang patag na bubog na ang
magkabilang mukha ay pinakintab ng maigi at ang isang mukha ay kinulapuan ng
tinggang puti, tama?
Iyan ang sabi ng aklat,Padre?
Ang tinggang puti ba ay kalaing?
Sabi po ng aklat.
Ergo (samakatuwid), ang salaming bubog na may merkuryo,
isang kalaing, ay salaming bubog-kalaing. Paano mo maipaliliwanag, espiritu
sastre?
Nalito si Placido. Inulan ng mura si Placido. Nagtawanan ang
klase. Itinanong ang pangalan ni Placido. Napalatak na patuya ang kura. Anito:
Placido Penitente lalong angkop ang Placido suplado. Lalapatan kita ng
penitencia. Hinanap sa mahabang talaan ang pangalan ni Placido. A labinlimang
pagliban! I*sa lang at aalisin ka na sa klase.
Napatindig si Placido. Aapat daw ang liban niya at ikalima
ang pagkahuli niya. Himig intsik na nanuya ang guro. Bihira akong bumasa ng
talaan kaya’t sa bawat isang huli ay limang liban ang inilalagay ko. Makaikatlo
kitang nahuli kaya’t labinlima. Kung ang limang liban mong inamin ang susundin
ko, may utang ka pang 10. At bibigyan kita ng masamang marka sa masamang sagot
mo ngayon.
Ngunit Padre, hindi dapat na ang isang wala sa klase ay
makabigkas ng mali sa aralin, tanong ni Placido.
"A... pilosopong metapisiko! Hindi mo ba alam na maaaring
ang lumiban sa klaseng iyon, saan man siya naroon, ay di rin nakaalam ng
aralin? Pilisopastro!"
panunuya pa ng Pari.
Nagpanting ang tainga ni Placido. Tama na, Padre. Maaring
markahan ninyo ako nang ano mang marka nguni’t wala kayong karapatang umaglahi
sa akin! Inyo na ang inyong klase! At ang estudyante ay umalis nang walang
paalam .
Natigagal ang klase. Di nila akalaing magawa iyon ni
Placido. Nagsermon ang pari. Nagsuwail daw si Placido sa mga tumataguyod sa
paaralan ng kastila. Nagmura si Padre Millon hanggang sa tumugtog ang
kampanilya. Naglabasan ang may 234 na estudyanteng di pumapasok nang walang
nalaman at lumabas nang sa gayon ding kalagayan.
Kabanata 14
Sa Bahay ng mga Mag-aaral
Malaki ang bahay na tinitirahan ng estudyanteng si Makaraig.
Maluwag ang bahay na ito at puro binata ang nakatira na pawang nangangasera.
Iba-iba ang kanilang edad at pag-uugali.
Si Makaraig ay isang mayamang mag-aaral ng abogasya at
pinuno ng kilusan ukol sa isyu sa Akademya ng wikang kastila. Ang pangunahing
estudyante na sina Isagani, Sandoval, Pecson at Pelaez ay inimbitahan ni
Makaraig upang pag-usapan ang kanilang pakay. Mananalig sina Isagani at
Sandoval na pagbibigyan hiling, samantalang nag-aalinlangan si Pecson. Si
Sandoval ay larawan ng mga kastilang may malasakit at pagpapahalaga sa mga
Pilipino.
May dalang magandang balita si Makaraig. Ibinalita nila na
si Padre Irene ay ang nagtatanggol sa kanila laban sa mga sumalungat sa
kanilang adhikain. Kailangan ng grupo ang pagkiling ni Don Custodio, isa sa mga
kataas-taasang lipon ng paaralan sa kanilang panig. Dalawang paraan ang
kanilang naisipupang pumanig sa kanila si Don Custodio, si G. Pasta isang
manananggol at si Pepay na isang mananayaw na matalik na kaibigan ni Don
Custodio. Napagkaisahan ng lahat na piliin ang manananggol upang maging
marangal ang kapamaraanan.
Kabanata 15
Si Senyor Pasta
Ikinuwento ni Isagani kay Senyor Pasta ang kanilang
sitwasyon at ang naging reaksyon nito ay mapanganib daw ang ganyang uri ng mga
petisyon, mas mabuting hayaan daw na gobyerno ang kumilos.
Kabanata 16
Ang Kasawian ng Isang Intsik
Si Quiroga, isang negosyanteng Intsik na naghahangad
magkaroon ng konsulado ang kanyang bansa ay naghandog ng isang hapunan.
Dinaluhan ito ng mga tanyag na panauhin, mga kilalang mangangalakal, mga
prayle, mga militar, mga kawani ng pamahalaan, gayun din ang kanilang mga suki.
Dumating si Simoun at nang singilin niya si Quiroga sa utang
na siyam na libong piso, sinabi nitong nalulugi siya. Inalok ni Simoun na
bawasan ng dalawang libong piso ang utang ni Quiroga kung papaya gang intsik na
itago sa kanilang bodega ang mga armas na dumating. Hindi raw dapat mangamba
ang Intsik, sapagkat ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na
pagkatapos ay gaagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango. Siya ay
lalakad sa mga mapipiit upang kumita. Napilitang sumang-ayon si Quiroga. Ang
pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong ipapadala sa India
para pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga sundalo.Sa pulutong ng mga
pari, ay pinag-uusapan nila ay tungkol sa ulong nagsasalita sa may perya sa
Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds.
Kabanata 17
Ang Perya sa Quiapo
Maganda ang gabi. Ang perya’y punong-puno ng panonoorin at
manonood. Ang 12 galing sa bahay ni Quiroga ay patungo sa kubol ni Mr. Leeds.
Tuwang-tuwa si Padre Camorra sa dami ng magagandang dalagang nakikita lalo na
nang makasalubong si Paulita na kasama nina Isagani at Donya Victorina.
Punyales! Kailan pa ako magiging kura sa Quaipo, anang makamundong prayle at
kinurot sa tiyan si Ben Zayb. Si Isagani nama’y inis sa bawa’t tumititig kay
Paulita.
May pinasok na tindahan ng mga tau-tauhang kahoy ang pangkat
nina Padre Camorra. Naghawigan sila-sila. Ang isa raw ay kahawig ni Zayb.
Kahawig daw ni Padre Camorra ang isa. Marami ang lilok na anyong Prayle.
May isang kuwadrong tanso ng babaing pisak ang mata,
gula-gulanit ang damit, nakalupasay at namimirinsa at namimirinsa ng lumang
damit. Ayon kay Padre Camorra ay isang hanggal ang umisip ng larawang iyon.
Sumagot si Ben Zayb na iyon ay ayon sa pamagat: la Prenza Filipina o prinsang
ginagamit sa Pilipinas. Isa namang kuwadro ay naglalarawan ng isang lalaking
nakagapos ang mga kamay at tinuturuan ng mga guwardiya sibil. Pamagat Ang Bayan
na Akaba . Pinagtawanan din nila ito.
May nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Hinanap nila ang
mag-aalahas. Wala ito. Ayon kay Padre Camorra’y natakot na baka pagbayarin nila
sa pagpasok sa paglabas ni Mr. Leeds. Ani Ben Zayb naman: Baka natakot na
matuklasan natin ang lihim ng kanyang kaibigan si Mr. Leeds. Makikita ninyo’t
ang lahat ay sa salamin lamang.
Kabanata 18
Ang mga Kadayaan
Sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin sa kanyang perya.
Bago nagsimula ang palabas, nagsiyasat si Ben Zayk upang Makita ang salamin sa
kanyang inaasahang matagpuan, ngunit wala siyang nakita.
Pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at may dalang kahong
kahoy sa kanyang pagbabalik. Ipinaliwanag niya na ito ay natagpuan naiya sa
isang libingang nasa-piramid ni Khufu, isang Paraon ng Ehipto. Ang kahon ay may
lamang abo at kapirasong papiro na kinasusulatan ng dalawang salita. Sa
pamamagitan ngpagbigkas ngunang salita ang abo ay nabubuhay at nakakausapang
isang ulo at pagbanggit ng ikalawang salita ito ay babalik sa dating
kinalalagyan nito.
Bumigkas ng isang salita si Mr. Leeds, lumabas ang isang ulo
at sinsbi nitong siya si Imuthis. Siya ay umuwi sa sariling bayan pagkatapos ng
pag-aaral at mahabang paglalakbay. Sa kanyang pagdaraan sa Babilonia ay nabati
niya ang isang lihim na hindi ang tunay na Sumerdis ang namamahala doon kundi
si Gautama, isang magnanakaw ng kapangyarihan at namamahala sa tulong ng pandaraya.
Sa katakutang isumbong siya kay Cambises ay binalak ang ikakasawi ni Imuthus sa
tulong ng mga saserdoteng Taga-Ehipto na siyang nakapangyayari noon sa kanilang
bayan. Siya ayumibig sa isang anak ng pari at naging kaagaw niya rito ang pari
sa Abidos. Nagpanukala ang pari ng kaguluhan at siya ang sinangkalan. Isinakdal
siya at napiit, tumakas at napatay. Ayon sa ulo siya ay nabuhay muli upang
ihayag ang gayong kataksilan. Titig na titig kay Padre Salvi ang espinghe
habang nagsasalita ito. Dahil sa takot hinimatay ang prayle.
Kinabukasan nagpalabas ng utos ang gobernador na nagbabawal
sa palabas ngunit wala na si Mr. Leeds, nagtungo ito sa Hongkong dala ang
kanyang lihim.
Kabanata 19
Ang Mitsa
Lumabas sa klase si Placido Penitente. Hindi na siya ang
dating mapagtimpi. Galit na galit siya. Nais niyang gumawa ng isang libo`t
isang paghihiganti. Parang ibinubulong ng kanyang budhi: Placido Penitente,
ipakilala mong ikaw ay may karangalan, na ikaw ay matapang at maginoo.
Taga-Batangas ka na ang paglait ay hinuhugasan ng dugo.
Nakitang nagdaan ang isang sasakyang kinalulunanan nina
Padre Sibyla at Don Custodio. Nais niyang habulin ang kura at ihagis sa ilog.
Napadaan sa Escolta. May naraanang dalawang Agustino sa
pinto ng basar ni Quiroga. Ibig pag-uundayan ng suntok. Nagpigil. May naraanang
dalawang kadete na nakikipag-usp sa isang kawani. Sinagasa niya ito. Tumabi ang
mga kadete. Inaalihan ng hamok si Placido.
Inakala na ni Placidong wala na siyang pagkakataong
mag-aral. Aniya sa sarili. Hindi raw kami marunong maghiganti. Dumating na sana
ang lintik at nang makita nila.
Naratnan ni Placido sa bahay na kanyang tinutuluyan ang
kanyang ina si Kabesang Andang. Kararating nito mula sa Batangas. Sinabi ni
Placido na di na siya mag-aaral. Naghinagpis ang ina. Nakiusap sa anak.
Nagpaalam si Placido sa ina. Ginala nito ang Sibakong, Tundo, San Nicolas, Sto.
Kristo. Mainit pa ang ulo. Nguni`t nakaramdam ng gutom. Naisipang umuwi.
Inakalang wala na sa bahay ina`t nagtungo na sa kapitbahay upang
makipangginggi. Mali siya. Naroon pa ang ina. Naghihintay.
Ipinakiusap daw ni Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino
na iayos ang suliranin ni Placido sa nakagalit na Dominiko. Ayaw ni Placido.
Tatalon daw muna siya sa ilog Pasig o magtutulisan bago mag-aral na muli.
Nagsermon uli ang ina ukol sa pagtitiis. Di na kumain muna, muling umalis ang
binata. Nagtungo sa daungan ng mga bapor. Inisip niyang magtungo sa Hongkong,
magpayaman at kalabanin ang mga prayle.
Ginabi siya sa paggagala. Walang natagpuang kaibigan.
Napatungo siya sa perya. Nakita niya si Simoun. Sinabi niya dito ang nangyari
sa kanya at ang hangad niyang pasa- Hongkong. Napatulog siya sa mag-aalaha.
Isinama ni Simoun si Placido sa kanyang karuwahe. Pag-karaan
ng pagtakbo ipinatigil ang sasakyan. Bumaba sina Simoun at Placido. Nakita nina
Placido sina Isagani at Paulita na namamasyal. Nainggit si Placido. Kinainisan
sina Simoun at Isagani. Anya: Sa ganyan lamang mapapakinabangan. Nagpatuloy ng
paglalakad sina Simoun at Placido hanggang sapitin nila ang isang bahay na
munti pagawaan ng mga pulbura na pinangangasiwaan ng dating guro sa San Diego.
Inatasan si Simoun na pakipagkitaan ng guro ang tenyente at ang kabo ng mga
militar, gayundin si Kabesang Tales. Nagtanong ang guro sa di pa nila
kahandaan. Ani Simoun: sapat na sina Kabesang Tales, ang mga naging kabinero at
isang rehinameyento ng mga kawal. Kung ipagpapaliban ay baka patay na si Maria
Clara. Tumalima ang dating guro.
Dalawang oras na nag-usap sa bahay ni Simoun ang magaalahas
at ang binata bago umuwi sa kaserahan si Placido.
Nang mapag-isa ang mag-aalahas ay nagtalo ang loob ni
Simoun. Sinurot siya ng budhi dahil bahagi siya ng kabulukang nais niyang
puksain. Waring nakita niya ang anyo ng kanyang ama at ng kay Elias na
tumututol sa kanyang ginawa. Ngunit umiling siya. Kung ako`y tumulad sa inyo ay
patay na ako, aniya. Gumawa ako ng masama upang mabigyang daan ang mabuti.
Nilalagnat noon si simoun.
Kinabukasan ay buong bait na nakikinig si Placido sa
nangangaral na ina. Hindi tumututol sa mungkahi nito. Ipinayo na lamang sa ina
na bumalik na sa lalawigan kaagad dahil kung malaman daw ng prokurador na
naroon si Kabesang Andang ay hihingian pa ito ng regalo at pamisa.
Kabanata 20
Si Don Custodio
Ang usapin ukol sa akademya ng salitang kastila ay nasa mga
kamay ni Don Custodio, na siyang pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito.
Si Don Custodio de Salazar y Sanchez deMonteheredondo ay
kilalang tanyag sabahagi ng lipunan sa Maynila at tinaguriang “Buena Tinta”.
Siya ay nakapag-asawa ng isang mayaman at sa pamamagitan ng yaman ng asawa,
nakapagnegosyosiya kahit kulang sa kaalaman sa mga tungkuling kanyang
hinahawakan siya ay pinupuri dahil siya ay masipag.
Nang bumalik siya sa Espanya walang pumansin sa kanya dahil
sa kakulangan niya sa pinag-aralan, kaya walapang isang taon nagbalik na siya
sa Pilipinas at nagmagaling sa mga Pilipino sa kanyang kunwaring magandang
karanasan sa Madrid.
Lumagay siya parang amo’t tagapagtanggol, ngunit siyay
naniniwalang may ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y upang sumunod. Ang
Pilipino’y ipinanganak upang maging utusan, kaya’t kailangang pagsabihang lagi
na ang mga ito’y sa gayon lamang ukol.
Sa loob ng labing limang araw, si Don Custodio ay bumuo ng
pasiya ukol sa kasulatan at handa na niya itong ipaalam sa lahat.
Kabanata 21
Mga Anyo ng Taga-Maynila
Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa teatro de
Variendades, ang Les Choches de Corneville ng bantog na mga Pranses. Ubos
kaagad ang tiket, at mahabang-mahaba ang hanay ng nagsipasok.
Isang Kastila ang tanging walang bahala sa pagpasok sa
dulaan. Ito’y si Camarroncocido na anyong pulubi o palaboy. May lumapit sa
kanya na isang kayumangging lalaki na matanda at may amerikanang mahaba’t
hanggang tuhod. Siya’y si Tiyo Kiko. Pinakitaan nito ng mga mamisong Mehikano
si Camarroncocido. Iisa ang kanilang hanapbuhay: pagdidikit ng mga paskil.
Anim na piso ang iniupa ng mga Pranses kay Tiyo Kiko. Ani
Camarroncocido: E, magkano naman ang ibinigay nila sa mga prayle? Dapat mong
malaman na ang buong kikitain ng palabas ay mauuwi sa mga kumbento.
Ang palabas ay humati sa Maynila. Mayroong nagsitutol dito
bilang masagwa at laban sa moralidad, tulad nina Don Custodio at ng mga prayle.
Mayroon namang nagtanggol dito. Mga pinuno ng hukbo at mga marino, ang kawani,
at maraming matataas na tao. Laban ang mga babaing may asawa o may kasintahan.
Ang wala nama’y sang-ayon sa opera. Naging malaki at malaganap ang
bulung-bulungan at kasamang nababanggit ang Kapitan Heneral, si Simoun, si
Quiroga at mga artista.
Ani Camarroncocido kay Kiko: Ang kalahati ng mga
nagsisipasok sa teatro ay manonood dahil sinasabi ng mga prayle na huwag
manood: at ang palabas dahil ipinagbabawal ng mga prayle. Mabuti ang iyong mga
paskil ngunit higit na mabisang pantawag ng tao ang pastoral o pagbabawal ng
mga pari.
Nang makaalis si Tiyo Kiko ay may napansin si Camarroncocido
na mga taong tila hindi sanay mag-amerikana at sa wari’y umiiwas mapuna. Anya:
Mga sekretarya kaya o magnanakaw? Kinapa ang sariling mga bulsa. Walang laman.
Ano sa akin sino man sila? anito at nagkibit-balikat. Isang kagawad ng hukbo
ang kumausap sa mga di-kilalang tao na apat o lima sa bawat pulutong.
Pagkatapos, ang kagawad ay lumapit sa karwahe at masiglang nakipag-usap sa
taong lulan niyon si Simoun. May narinig ang palaboy na Kastila: Ang hudyat ay
isang putok. At umalis ang karwahe. May binabalak! ani Camarroncocido.
Nagpatuloy ng lakad si Camarroncocido. Dalawang tao ang
narinig niyang nag-uusap. Anang isa na may hawak na rosaryo at kalmen: Ang mga
kura ay malakas kaysa Heneral. Ang heneral ay umaalis; ang mga ay naiiwan. At
yayaman tayo. Ang hudyat ay isang putok.
Ani Camarroncocido: Doon ang heneral dito si Padre Salvi.
Kaawa-awang bayan! Ngunit anio sa akin?
Sa labas ng dulaan ay naroon si Tadeo at isang kababayang
baguhan sa lungsod. Niloloko ni Tadeo ang kababayang tanga sa pagsasasbi ng
mgsa kahanga-hangang kasinungalingan. Maraming mga taong nagdaraan ang sinasabi
ni Tadeo na mga kaibiga’t kakilala niyang malalaking tao kahi’t di totoo.
Dumarating sina Paulita Gomez at ang tiyang si Donya Victorina. Nakilala ni Tadeo
si Padre Irene na nakabalatkayo nguni’t di naitago ng tunay na katauhan dahil
sa mahaba niyang ilong. Dumating din si Don Custodio.
Nang makita ni Tadeo na dumating sina Makaraig, Pecson,
Sandoval at Isagani ay lumapit ito at bumati sa apat. May labis na tiket ang
mga ito dahil di sumama sa kanila si Basilio. Inanyayahang pumasok si Tadeo. Di
na naghintay ng ikalawang paanyaya si Tadeo. Iniwan ang taga-lalawigan na
nag-iisa.
Kabanata 22
Ang Palabas
Maingay sa dulaan. Lampas na sa oras ay di pa nagsisimula
ang palabas dahil wala pa ang Kapitan Heneral. May nagsisipadyak ng baston at
sumisigaw na buksan na ang tabing. Maraming pabastos na paghanga sa mga babae
na maririnig sa mga artilyero. Maraming tsismisan. Mausok. Maraming pagtatalo.
May isang matigas ang ulo sa isang luklukang di kanya at ayaw ibigay iyon sa
may-aring si Don Primitivo. Hindi ito napakiusapan ng tagapamahala. Nagsigawan
ang mga artilyero. Ibibigay o hindi na oo na hindi! Nalibang ang mga tao. Ang
mga tanod ay di makapangahas magpaalis sa nasa upuan ni Don Primitivo dahil sa
ito ay isang mataas na tao sa pamahalaan.
Dumating ang Heneral. Tumugtog ng marcha real. Si Pepay ay
nasa isang palko na handog ni Makaraig. Katapat ito ng palko ng mga estudyante.
Si Don Custodio ay tinipan ni Pepay sa dulaan kaya’t di man ibig ay napilitan
ang tagapagmungkahi na pasadulaan.
Masaya si Pepay. Masaya rin ang mga estudyante pati si
Pecson. Si Isagani lang ang hindi dahil nakita niya sa dulaan si Paulita na
kasama ni Pelaez na kanyang karibal.
Isang Pransesa ang umawit, si Gertude. Isang awit na puno ng
tsismis ng linggo ang kanyang ipinaririnig. Tigas na kasasalin ni Tadeo sa
Kastila ng mga salitang Pranses. Gayon din ang ginawa ni Juanito Pelaez kina
Paulita at Donya Victorina. Karaniwan naman ay mali si Juanito. Umawit si
Serpolette. May pumalakpak sa una. Nakilala ito ni Tadeo. Padre Irene na
pinapag-espiya ni Padre Salvi sa kung sadyang masama nga ang palabas ng mga
Pranses ay namukhaan ng mananayaw. Kakilala pala siya ni Serpolette sa Europa
pa.
Isang babae ang dumating na kasama ang asawa. Ipinamalaki
ang pagdating niya nang huli sa lahat. Nang makitang may palko pang walang
laman ay inaway ng ginang ang asawa. Sinutsutan siya ng mga tao. Wikang
paismid: Ang mga ungas! Akala mo’y marurunong ng Pranses. (Tama naman.)
Si Juanito’y nagpapanggap na maalam ng Pranses na di naman
nalalayo sa Español. Kapag nagtawa ang mga tao’y nakikitawa siya. Kapag
nagsiungol o nagsiubo, napapailing siya. Humanga sa kanya si Donya Victorina at
hinangad pakasalan ang binatang kuba pag namatay si De Espadaña.
Inubo nang masasal si Juanito. Sinigawan siya. Paalisin ang
tisiko. Nais awayin ito ni Pelaez. Nakilalang si Don Custodio iyon. Natakot ang
binata. Kundi lamang kasama ko kayo anya kina Paulita. Lalong humanga si Donya
Victorina kay Pelaez.
Ayon kay Ben Zayb, na isa sa mga nagsiganap ay hindi
artista, di marunong umawit.
Napag-usapan ang di pagsipot ni Simoun sa dulaan.
Pinagtalunan ng mga estudyante ang kagandahan at kapangitan
ng wikang Pranses . Dumating si Makaraig mula kay Pepay. Malungkot. Nag-usisa
ang lahat. Napasiyahan na raw ang tungkol sa paaralan ayon kay Padre Irene.
Sinang-ayunan nag paaralan. Ngunit ito’y ipaiilalim sa Unibersidad ng Sto. Tomas,
sa pamamahala ng mga Dominikano.
Kung gayo’y mga kabesa de baranggay tayo, ani Tadeo.
Hinagisan ni Pecson ng maruming medyas si Sandoval.
At ang masakit ayon kay Makaraig ay ipinayo pa ni Padre
Irene na ipagdiwang ng mga estudyante ang tagumpay nila.
Ani Pecson: Sigi, magdiwang tayo sa isang pansiteryang
paglilingkuran ng mga Intsik na hubad! Pinagtibay ang balak. Hindi na hinintay
ng mga estudyante ang ikalawang yugto ng opereta. Nagsialis sila sa gitna ng
alingasngas ng buong bulwagan.
Kabanata 23
Isang Bangkay
Nang gabing iyon, ikapito, ay makalawang umalis at dumating
si Simoun sa bahay na may iba’t ibang taong kasama. Nakita siya ni Makaraig
nang mag-iikawalo sa may daang Ospital, malapit sa kumbento ng Sta. Clara.
Nakita siya ni Camarroncocido sa may dulaan nang mag-iikasiyam na may kausap na
tila estudyante.
Si Basilio ay dir in nanonood. Nagrerepaso siya sa bahay.
Hindi na nag-sasama sa mga kamag-aaral mula nang tubusin si Huli sa
pagkakaalila. Pinag-aralang mabuti ang pagpapagaling kay Kapitan Tiyago na noon
ay lalong naging mahirao pakiba-gayan. Kung minsan ay mahal na mahal nito si
Basilio at kung minsa’y nilalait. Pabigat
nang pabigat ang karamdaman nito.
Ang pagbabawas sa paghitit ni Kapitan Tiyago ay isinasagawa
ni Basilio ngunit kung nasa lalawigan o nasa paaralan siya’y may nagbibigay ng
labis na apyan sa matanda. Si Simoun at si Padre Irene lang naman ay walang
itinatagubilin kay Basilio kundi ang pagalingin ang maysakit, pagtiisan ito sa
pag-aalaga.
Sa pagrerepaso ni Basilio ay dumating si Simoun. Mula nang
magkita sila sa San Diego ay noon lamang sila nagkaharap. Kinumusta ni Simoun
ang maysakit. Malubha, ani Basilio. Malala na raw ang kalat ng lason sa
katawan. Tulad daw ng Pilipinas, ani Simoun.
Hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa himagsikan liban
sa pama-halaang Kastila dahil ang hindi kakampi sa kanila ay ituturing na
kaaway na dapat pata-yin. Inatasan ni Simoun si Basilio na itakas si Maria
Clara mula sa kumbento ni Sta. Clara habang nagkakagulo ang buong lungsod.
Sinabi ni Basilio na huli na, dahil sa nagpakamatay na si
Maria Clara. Naroon siya sa kumbento upang makibalita kaya niya nabatid. Nang
bumalik siya ay nakita niya ang liham na padala ni Padre Salvi kay Padre Irene
na siyang nagpabasa ni-
yon kay Kapitan Tiyago na nagpanangis nang mabatid na patay
na si Maria Clara.
Litong-lito na patakbong nanaog ng bahay si Simoun. Nawala
sa pag-aaral ang isip ni Basilio. Ang naglaro sa isip ay ang kahabag-habag na
buhay nina Ibarra at Maria Clara.
Kabanata 24
Mga Pangarap
Mag-uusap sina Isagani at Paulita sa Luneta. Handang-handa
si Isagani
sa pagbabagsak ng kanyang galit sa gabi. Pany raw ang tingin
ni Isagani sa mga Pransesa. Kaya
raw siya sumama kay Juanito ay para nga magkita sila ni Isagani.
Si Donya Victorina raw ang
may ibig kay Pelaez. Nagkatawanan ang dalawa.
Nagkapalitan sila ng mga pagtanaw sa kinabukasan. Nais ni
Isagani na sa nayon manirahan. Pinakaiibig raw niya ang kanyang bayang iyon.
Bago raw niyanakita si
Paulita, ang bayang iyon ang tangi niyang kaligayahan at
magandang-maganda para sa kanya. Nguni’t nang makilala niya si Paulita ay
naging parang may kulang sa kanya ang bayang iyon at
Natiyak niyang ang kulang ay si Paulita
Nguni’t ayaw ni Paulita na tumungo roon. Ayaw niyang magdaan
sa mga bundok na malimatik. Ang ibig niyang paglalakbay ya sa pamamagitan ng
tren.
Pinaghambing ni Isaganisa isip ang pansin ng mga taong
pamahalaan sa
nagkaramdam na si Simoun at ang mga sugatang kawal na
galling sa digma. Sa huli’y ni walang pumapansin. Nguni’t kay Simoun ay
nabahala ang marami. Iba na raw ang mayaman, ayon sa
binata. Ang bayang nasa isip niya ay di lamang Pilipinas
kundi pati ang Espanya.
Dumating sina Paulita. Nginitian nito si Isagani. Nangiti na
rin ang binata
at napawi ang lahat ng kanyang mga hinanakit sa dalaga.
Nalubos na sana ang kanyang tuwa nang
itanong sa kanya ni Donya Victorina kung nakit ang binata
ang pinaghahanap na asawang Kastila.
Ipinagkaila ng binata na alam niya dahil sa kanilang bayan
sa nayon (kay Padre Florentino) nag-
tatago si De Espadana. Sinabi ng donya na nais niyang
mag-asawa uli. Nagtanong pa ang donya kumg ano’t pakasal siya kay Pelaez. Ang
pilyong Isagani naman ay namuri pa sa kinaiinisan niyang
kamagaral. Pinagbigyan ng donya ang pamangkin at binatang
kausap. Kung matutuloy ng naman si Paulita kay Isagani, magiging sarili niya si
Juanito.
Kabanata 25
Tawanan at Iyakan
Idinaos ang piging ng mga estudyante sa Panciteris Macanista
de Buen Gusto. Labing–apat sila, kasama si Sandoval. Pinakyaw nilang lahat ang
mesa. Ani ng isang paskin: “Luwalhati kay Don Custodio sa kaitaasan at Pansit
sa lupa sa mga Binatang may Magagandang Kalooban!”
Matatlim ang mga salita ng mga estudyante. Naghalakhakan
sila’y pilit at may tunog ng paghihinakit.
Dumating si Isagani. Si Pelaez na lang ang kulang. Ani Tadeo
sana’y si Basilio na ang inanyayahan nila sa halip ng impormal na si Juanito.
At malala-sing pa raw sana nila si Basilio upang mapagtapat ng mga lihim ukol
daw sa nawawalang bata at sa isang mongha.
Nagkainan. Inihandog nila ang pansit-langlang klay Don
Custodio. Ang sopas ay tinaguriang sopas ng panukala;lumpiang intsik ay inalay
kay Padre Irene ; ang torta’y inukol sa prayle (torta de Frailes). Tumutol si
Isagani. May isa raw prayleng di dapat isama sa panunumpa. Tumutol din si
Tadeo. Kahabag-habag daw na inihambing ang alimasag sa mga prayle; ang pansit
gisado ay inukol sa pamahalaan at sa bayan. Ayon kay Makaraig, ang pansit ay
katutubong lutuing Pilipino. May ibig mag-alay ng pansitkay Quiroga na isa raw
sa apat na kapangyarihan sa Pilipinas. Anang isa naman ay sa Eminencia Negra
(Simoun) raw dapat ialay ang pansit.
Pinapagtalumpati si Tadeo. Di ito nakahanda. Nagsimula ito
kahit papaano. Sinigawan siya ng mga kasamahan . Gaya daw ang binigkas ni
Tadeo. Naghingian ng pagkain. Nahilingan ng talumpati si Pecson. Inatake ni
Pecson ang mga prayle. Mula raw sa kamusmusan hanggang sa libingan ay prayle
ang kasama natin.
May nakakita sa utusan ni Padre Sibyla, ang biserektor sa
Unibersidad. Sumakay ito sa karuwahe ni Simoun. Nagtiktik ito sa mga
estudyante. Ani Makaraig: “Ang busabos ng bise-rektor na pinglilingkuran ng
panginoon ng Heneral!”
Kabanata 26
Mga Paskil
Maagang nagbangon si Basilio upang magtungo sa ospital. Nais
niyang pakialaman ang kanyang linsensiyatura sa Unibersidad pagkatapos madalaw
ang may sakit. Uutang siya kay Makaraig ng perang gugugulin. Ang naimpok niya
ay naipanubos kay Huli.
Sa tapat ng San Juan de Letran ay may nagtanong sa kanya
ukol sa pagbabangon. Iniugnay niya sa isip ang pagkakatungo sa kanya ni Simoun.
Marami raw nadadamay na mga estudyante ayon sa nagbabalita. Nagpatuloy sa
paglalakad si Basilio.
Nakasalubong niya ang isang katedratiko na malapit ang loob
sa kanya. Itinanong kung nasa piging ng mga estudyante si Basilio. Mabuti raw
at wala. Nang malamang kasapi si Basilio sa kapisanan ay pinayuhan nitop ang
binata na umuwi na’t sirain niya ang lahat ng kasukatang magdadawit sa kanya.
Nabanggit ni Basilio si Simoun. Wala raw kinalaman dahil nahihiga ang
mag-aalahas dahil sa sinugatan ng kung sino. Dito’y may ibang mga kamay na
nakapangingilabot, anang katedratiko.
Itinanong ni Basilio kung may kasangkot na tulisan. Wala
raw. Panay raw mga estudyante. Nagkatagpo raw sa unibersidad ng mga paskil o
mga paskin (posters) na mapanghimagsik.
May nasalubong silang isa pang katedratiko na kakilala ni
Basilio,. Ang una: Nangangamoy na si Kapitan Tiyago. Nilalapitan na siya ng mga
uwak at buwitre.
Nagpatuloy si Basilio sa paglalakad. Mga karagdagang balita.
Marami raw estudyante ang papupugutan ng ulo, ipabibilanggo, ibabagsak sa
pag-aaral.
Nagunita ni Basilio ang sinabi ni Simoun. Sa oras na kayo’y
itiwalag nila di kayo makatatapos sa inyong karera. Pinaghinalaan ni Basilio na
may kinalaman si Simoun sa mga paskil.
Nakita niya si Sandoval. Tinawag ito. Naging bingi ito sa
tawag niya.
Tuwang-tuwa si Tadeo. Wala na raw klase. Ibibilanggo raw
lahat ang kasama sa kapisanan ng mga estudyante. Tuwang-tuwa pa rin ito dahil
wal ng klase.
Si Pelaez naman ay parang baliw na paulit-ulit ang
pagsasabi: Wala-wala akong kinalaman, wala akong kinalaman ; ikaw ang saksi ko
Basili, na sinabi kong isang quijoterias ang lahat
Mabilis tumalilis si Juanito nang makita ang isang tanod na
palapit sa kanila.
Natanaw ni Basilio si Isagani. Namumutla ang huli ngunit
pinagpupuyusan ng kalooban.
Nakapagtataka, mga ginoo, na walang kakuwenta-kuwentang mga
bagay ay nagkakagulo tayo na parang mga mayang paking na itinaboy ng
tau-tauhang panakot. Ito lang ba ang pangyayari na ang kabataan ay mabibilanggo
dahil sa kalayaan? Nasaan ang mga binitay, ang mga pinagbabaril? Bakit tayo
magsisiurong ngayon?
May nagtanong: Sino ba ang ungas na sumulat naiyon?
Walang halaga ang kung sino ang sumulat. Tungkulin nilang (
mga kura ) alamin niyon. Nguni’t di tayo dapat patangay sa kaguluhang ito kung
saan naroon ang panganib ay doon tayo dumako dahil naroon ang karangalan. Kung
nasasabi sa paskil ay kaayon ng ating kalooban, sino man ang sumulat noon ay
dapat nating pasalamatan. Kung hindi naman ay sapat nang tutulan natin at
tanggihan, ani Isagani.
Tumalikod si Basilio. Di siya sang-ayon sa sinabi ng
kaibigan. Tutungo siya kay Makaraig upang mangutang. Di niya alintana ang
mahiwagang senyas ng mga kalapit bahay ni Makaraig.
Napadubo siya at napaharap sa dalawang tanod na beterana.
Anya: Naparito ako upang makipagkita ako sa kaibigan kong si Makaraig.
Nagkatinginan ang dalawang tanod.
Dumating si Makaraig at ang kabo at dalawang kawal. Nagtaka
si Makaraig kay Basilio. Anito: Marangal na pagkatao! Sa panahon ng kapayapaan
ay umiwas kayo sa amin ..
Inusig ng kabo si Basilio. Dinakip rin ito nang pakilala
kung sino Pati ba ako? tanong ni Basilio. Nagatawa si Makaraig. Huwag kayong
mag-alala. Mabuti’t ng maibalita ko sa inyo ang ukol sa hapunan kagabi
samantalang nasa sasakyan tayo.
Sa sasakyan ay ipinagtapat ni Basilio ang kanyang pagsasadya
kay Makarai. Sinabi ni Makaraig na ma-aasahan siya ni Basilio at sa magtatapos
raw ng madodoktor ay aanyayahan pa nila ang mga kawal na dumakip sa kanila.
Kabanata 27
Ang Prayle at ang Estudyante
Si Isagani ay ipinatawag ni Padre Fernandez na isang
katedratiko. Labis na iginagalang ito ng binata.
Ayon sa pari narinig nito si Isagani sa pagtatalumpati ng
binata. Itinata-nong ng kura kung kasama si Isagani sa hapunan. Pinuri rin ang
pagkakaroon ni Isagani ng paninindigan . Pinaupo ang binata. Nguni’t nanatiling
nakatayo si Isagni. Patuloy na nagsalita ang pari. May mga dalawang libong
estudyante na raw ang naturuan niya o sinikap niyang turuang mabuti at karamiha’y
pumupula at lumalalos sa mga prayle nguni’t walang makapagsalita nang tapatan o
harapan.
Ayon kay Isagani ay di kasalanan iyon na kabataan na pag
nagsalita laban sa maykapangyarihan ay kaagad nang sinasabing pilibustero at
alam ng pai ang ibinubunga ng gayong paratang. “Baliw ang sino mang magsabi
nang malakas sa kanyang iniisip sapagka’t siya’y magtitiis ng pag-uusig,” ani
Isagani.
Sinabi ng prayle na di niya inuusig si Isagani at malaya
itong nakapagsasalita ng anuman sa kanyang klase. Sa halip ay paborito pa niya
si Isagani.
Pangiting nagpasalamat ang binata. Sinabi niyang itinatangi
rin niya ang katedratiko. “Nguni’t di tayo maguusap dito ng ukol sa ating
sarili kaya’t ipinakikiusap ko sa aking katedratiko na ibahin na ang paksa.”
Maaari raw si Padre Fernandez ay gayon nga nguni’t di raw
gaya ng katedratiko ang ibang prayleng Domoniko. At tiniyak ni Isagani ang mga
sakit sa pagtuturo ng mga prayle. “Binabawasan hangga’t maaari ang pagbibigay
ng mga kaalaman sa pagpatay sa sigla at sigasig ng magaaral. Walang
inihahasiksa amin kundi mga kaisipang luma, mga lisyang simulaing kasalungat ng
pagkakasulong. Parang mga bilanggong gobyerno ang mga estudyante. Salat na
salat ang mga ito sa natututuhan tulad ng pagkasalat ng bilanggo sa pagkaing
inirarasyon ng nakasubasta sa pagpapakain”. At sinabi ni Isagani na parang may
sabuwatan ang pamahalaan at ang mga Pilipino upang manatili sa kamangmangan ang
mga ito.
Napakagat-labi si Padre Fernandez. Sinabi nitong lampas na
sa guhit ng pag-uusap ang mga paratang ni Isagani.
“Hindi, Padre,” ganti ni Isagani. “Ang mga prayle sa lahat
ng orden ay naging mga kontratista ng karunungan at sila ang nagsasabi mismo na
kami ay hindi nararapat matuto pagka’t baling araw ay magpapahayag kami ng
paglaya. Ito’y pagtanggi na ang bilanggo ay pakanin pa upang di na makalabas sa
bilangguan. Ang kalayaan ay katambal ng tao at, gayundin, ng talino at
katarungan. Ang pagtanggi ng mga prayle na maging amin iyan ang dahilan ng
kawalan naming ng kasiyahan”.
“Ang karunungan ay hindi ipinagkakaloob kundi sa
karapat-dapat lamang,” anang Pari. “Ipagkaloob iyan sa mga walang tibay ng loob
at kapos sa wastong asal ay taliwas sa layunin niyon”.
Tinutulan ito ni Isagani. Hindi raw totoo iyon. “Kung ano
kami ay kayo ang may gawa. Ang bayang inaalipin ay natutong magkunwari; ang
paghaharian ay lumikha ng mga alipin. Ipagpalagay natin, kahit di totoo, na ang
mga estudyante ay mgawalang dakilang asal at katibayanng loob. Sino ang may
kasalanan? Kami o kayong nagturo sa amin sa loob ng may tatlong siglo? Kung
pagkatapos ng panahong iyon ay walang nayari ang manggagawa ng palayok kundi
mga sira siya’y napakatanga marahil.”
“O masama at marumi ang putik na ginagamit?”
“Kung gayo’y higit pang napakahangal gayong alam na palang
masama at marumi ang putik ay bakit nagpapatuloy pa sa pagsasayang ng panahon,
at di lamang hangal, kundi manlilinlang at magnanakaw pa dahil alam nang walang
ibubunga ang ginagawa niya’y patuloy pa sa pagtangap kabayaran….. at di lamang
hangal , mandaraya at magnanakaw kundi isa pang talipandas dahil ayaw nilang
subukin ang kakayahan ng iba sa paggawa ng magiging kapakipakinabang.”
Nakilala ni Padre Fernandez ang kanyang kagipitan. Noon
lamang siya nakaranas niyon—pagkatalo sa isang estudyanteng Pilipino lamang.
Anang kura: “Kinapopootan ng bayan ang sundalo na dumakip at hindi ang hukom na
nagpanaog ng hatol na pagkabilanggo… Kami’y napapagitna sa dalawang sibat sa
inyo at sa pamahalaan . Kung ano ang utos sa amin ay siya naming sinusunod. Ang
nag-uutos sa pagpapaputok ay masasabung siya na ring naglalagay ng balas a
kanyon”.
Pinulaan ni Isagani ang pagtatago ni Padre Fernandez sa
likod ng pamahalaan. Nangatwiran ang katedratiko. “Ang ibig kong sabihi’y may
mga batas na mabuti ang layon nguni’t masama ang ibinubunga. Upang maiwasan ang
isang pagdaraya ay nagpapatibay ng maraming panugpo na pinaglalaruan lamang ng
mga mamamayan. Maglagda kayo ng isang batas, kahit sa Espanya, at pag-aralan ng
mga tao kung paano ito madaraya. Nguni’t nalalayo tayo tayo sa paksa… Kaya
sasabihin kong ang masamang ugali ninyo ay di dapat isisi sa amin ni sa
Pamahalaan kundi sa masamang pagkakatatag n gaming kapisanan. Ang naghahangad
magpatotoo ng lahat ay wala isa mang napatutunayan. Ang mga kapisanan ay
nawalan ng pg-iingatdahil sa umaapaw na kasaganaan”.
“Opo, may pumipilit na sila’y mag-aral. Katungkulan ng bawat
tao na hanapin ang kanilang kaganapan ng pagkatao. Katutubo sa tao na linangin
ang kanyang talino at lalong matindi ang nais na ito rito dahil ito’y
hinahadlangan.Ang bumubuhay sa pamahalaan ay humihingi sa pamahalaan ng liwanag
upang lalong makatulong sa bansa. Pamahalaan na rin at ang mga prayle na rin
ang pumipilit na kaming mga indiyo ay maghanap ng karunungan dahil sa inyong
pag-aglahi sa amin sa kawalangpinag-aralan at kamangmangan. Kami’y inyong
hinuhubaran at pagkarapos ay pinagtatawanan ninyo an gaming kahihiyan”.
Kabanata 28
Pagkatakot
Ipinangalandakan ni Ben Zayb sa El Grito na tama siya sa
madalas niyang sabihing nakasasama sa Pilipinas ang pagtutuo sa kabataan. Ito’y
pinatunayan ng mga paskil.
Naging takot ang lahat mula sa Heneral hanggang sa mga
intsik. Ang mga prayle ay di nakasipot sa basar ni Quiroga. Ang intsik man ay
nag-ayos ng tindahan na madaling maisara kung sakali. Inisip ni Quiroga na
magtungo kay Simoun at isangguni kung panahon na upang gamitin ang mga baril at
pulbura’t bala na ipinatago nito sa kanya. Ayon sa himatong ni Simoun iyon ay
palihim na ilalagay sa mga bahay-bahay at saka magpapahalughog ang pamahalaan.
Daami ang madarakip at mabibilanggo. Maami, lalo sa mayayaman, ang patutulong
sa kanila ni Simoun at iyon ay mangangahulugan ng malaking salapi. Nguni’t di
niya nakausap si Simoun. Ipinasabi lamang na huwag galawin ni Quiroga ang
anuman sa kinalalagyan.
Nagtungo si Quiroga kay Don Custodio upang isangguni kung
dapat sandatahan ng intsik ang sariling tahanan. Ayaw ring tumanggap si Don
Custodio ng sinuman. Kay Ben Zayb nagtungo ang intsik. Nang makita niya na
nakapatong sa mga papeles ng manunulat ang dalawang rebolber, kaagad nagpaalam
ang intsik. Umuwi ,nahiga at nagdahilang maysakit.
Kinahapunan ay kumalat pa ang balitang may panayam ang mga
estudyante at mga tulisan sa San Mateo; niyari daw ang balak na paglusob sa
lungsod sa isang Pansiterya; may bapor pandigma aw ang mga Aleman sa look,
katulong ng mga estudyante; may mga estudyante pa aw na nagtungo sa Malakanyang
upang magpahayag ng pagkamaka-Kastila ngunit nahulihan sila ng armas kaya’t
pinagpipit; naligtas daw ang Heneral dahil noo’y nakikipanayam sa mga puno ng
orden o provincial sa Pilipinas.
May nagpanukalang magpabaril kaagad ng isang dosenang
pilibusterilyo upang matigil ang gulo. Anang isa’y sapat nang palakarin sa mga
lansangan ang mga kawal na kabayuhan at may hilang kanyon at ang lahat ay
magsisipanhik ng bahay upang manahimik. Anang isa naman, pagpapatayin ang
mayayaman at linisin ang bayan.
Kina Kapitan Tiyago. Una’y ibinilanggo na si Basilio at
naghaluhog sa mga kasulatan ng binata. Nayanig ang kahinahunan ni Kapitan
Tiyago. Saka ngayo’y dumating si Padre Irene at nagbabalita ng kung anu-anong
mga nakatatakot. Nanginig sa takot ang matanda. Nakadilat ang mata na napakapit
sa kura. Nagpilit bumangon. Nguni’t di nakaya. Bumagsak na bumubula ang bibig.
Patay na. Nasindak ang kura. Tumakbo. Nakahawak sa kanya ang patay na
nakaladkad niya hanggang sa gitna ng silid.
Kinagabihan. Sa isang binyagan ay may nagsabog ng kuwalta.
Nag-agawan ang mga bata. Nagkaingay sa may pinto ng simbahan. Isang opisyal ang
nagdaan. Nabigla ito sa pag-aakalang gawa iyon ng mgs pilibusterilyo. Hinabol
ng sable ang mga batang nagsipasok sa simbahan. Nagtakbuhan ang mga tao.
Nagsimula na raw ang himagsikan.
Dalawang tao ang nahuling nagbabaon ng sandata sa silong ng
isang bahay na tabla. Hinabol ng mga tao ang dalawa upang ibigay sa pamahalaan.
Di ito nangahuli. Ang mga baril ay lumang eskopeta na maari pang makasugat sa
gagamit.
Isang beterano ang napatay dahil pinagkamalan ng isang
kawani na yaon ay estudyante. Isang bingi ang sinino sa Dulumbayan. Hindi ito
sumagot. Binaril. Patay!
Sa isang tindahan ay si Tadeo kaagad ang ipinakibalitaan.
Binaril na raw, anang pinagtanungan. Napadaing ang babae. Malaki raw ang utang
ni Tadeo sa kanya. Anang kausap ay baka raw madamay pa kay Tadeo ang may
tindahan. Natahimik ang babae.
Luku-luko raw si Isagani. Kusa pa raw nagpadakip. Babarilin
daw malamang. Walang anuman daw sa kanya’t walang utang sa kanya si Isagani,
anang ginang na may tindahan. Ano raw kaya ang gagawin ni Paulita. Baka raw
pakasal sa iba, anang tumugon. Halos lahat ng bahay ay may mga nagrurosaryo.
Sa tirahan nina Placido Penitente, hindi naniniwala ang
platero sa mga paskil. Gawa lang daw iyon ni Padre Salvi. Ayon naman sa isa’y
si Quiroga ang may gawa. May ibig daw ipasok na kontrabando si Quiroga at nasa
look na sandaang libong pisong mehikano. Nagkaroon daw ng kaguluhan. Pinadulasan
ang mga kawani sa adwana at nakalusot ang salapi.
May narinig silang mga yabag. Natigil ang usapan kay
Quiroga. Kunwa’y binanggit ng isa si San Pascual Bailon. Ang dumating ay si
Placido . Kasama ang manggagawa ng kuwitis o pulbura si Simoun.
Hindi raw nakausap ni Placido ang mga bilanggo.Tatlumpu raw.
Ayon sa manggagawa ng pulbura ay magpupugutan ng ulo sa gabing iyon. Hindi raw
mangyayari iyon, anang isa, dahil si Simoun na siyang madalas magpayo niyon ay
maysakit. Nagkapalitan ng tingin ang dalawang bagong dating.
Nang gabing iyon ay pinalitan ang mga tanod sa pinto ng
siyudad. Ipinalit ay mga artilyerong Kastila. Kinabukasan ay nakatagpo sa
Luneta, malapit sa pinto, ng bangkay ng isang dalagitang kayumanggi. Halos
hubad. Ngunit nakita man iyon ni Ben Zayb ay di na nabalita.
Kabanata 29
Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago
Marangal ang libing ni Kapitan Tiyago. Si Padre irene ang
hinirang na tagapamahala at tagapagpatupad ng testamento ng kapitan.
Paghahati-hatiin ang kanyang kayaman sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at
sa mga orden. P20.00 ay itinira para pangmatrikulang mga estudyante mahihirap.
Iminungkahi ito ni Padre Irene para masabing tagatangkilik siya ng mga
estudyante. Inalis ni kapitan Tiyago ang P25.00 pamana kay basilio dahil sa
kawalang-utang na loob ngunit isinauli ni paddre Irene at siya raw ang
magpapaluwal sa sariling bulsa.
Nang nakaburol si Kapitan Tiyago ay marami ang usap-usapan
ukol sa kanya. Nakita raw ng mga mongha ang nagliliwag na kaluluwa ni Kapitan
Tiyago. Iyon daw ang utang sa maraming pamisang nagawa ni Kapitan.
Naisip ng sakristan na ipanabing ang kaluluwa ni Kapitan
Tiyago ay may hawak pang mangkok ng taho. May nangaghaka namang hamunin ni
Kapitan Tiyago ng sabong si San Pedro. Pero paano magkakamatayan o magkakatalo
mag manok na kaluluwa? Ayon kay Pilosopo Primotivo, di magkakatalo sagka’t ang
pagkatalo’y kaugnay ng sama ng loob ay walang puwang sa langit.
Hinandugan ni Quiroga ng isang tabako si Don Primotivo. Saka
nagtanong nang malumanay: Sigulo puede de contalata aliedo galela con kilisto,
a? Cuando muele, mia contalista, ja? May nagtalo sa damit na isusuot kay
KapitanTiyago. Abito? Mayroon nito si kapitan tinong. Lumang-luma at binayaran
niya ng P36.00. Ipagkakaloob niya ito sa mahal na kaibigan. Tumutol ang
sastre.Prak daw ang kailangan nakaprak ang kaluluwang nakita ng mga mongha. May
yari na ang sastre na P32.00 ang halaga, dahil suki niya ang namatay. Lumang
damit ang ipinasuot ni Padre Irene. Hindi raw mahalaga sa langit ang damit.
Tatlong prayle ang dapit sa libing ni Kapitan. Maraming
kamanyang nang sinunog at gayundin ang iwinisik na agua bendita.
Si Donya Patrocinio na matandang kaagaw ni Kapitan Tiyago sa
pagpapataasan ng ihi sa pagkabanal ay nagnais mamatay na kinabukasan upang
malibing siya ng lalong dakila at kahanga-hanga.
Kabanata 30
Si Huli
Nabalita sa San Diego ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago at
ang pagkadakip kay Basilio. Dinamdam ng bayan nang higit ang huli. Maari raw
ipatapon o patayin ang binata. Enero rin daw nang bitayin ang tatlong martit sa
Kabite. Mga pari na iyon, nabitay pa. Tiyak daw na bibitayin din si Basilio.
Nagkagayon daw si Basilio, ayon kay Hermana Penchang, dahil
di nag-aagwa bendita sa Simbahan dahil narurumihan sa tubig. Hindi raw
nakasasakit ang agwa bendita. Nakagagaling pa nga raw ito. May ilan pa ang
nanisi rin sa binata.
Ngunit marami ang nagsasabing di dapat mangyari iyon kay
Basilio.Tahimik ito. Naghihiganti raw lamang ang mga prayle dahil sa
pagkakatubos ni Basilio kay Huli na anak ng tulisang si Tales.
Mabuti raw at pinaalis na niya si Huli, ani Hermana Penchang.
Ayaw daw niyang magalit ang mga prayle sa kanya. Ang totoo’y di niya ibig
ipatubos si Huli.
Si Hermana Bali ang nagbalita kay Huli ng tungkol kay
Basilio. Hinimatay pa si Huli dala ng balita. Sa Pilipinas ay kailangan ang
ninong sa ano mang pagkilos. Wala nang tagatangkilik si Basilio sa pagkamatay
ni Kapitan Tiyago kaya’t tiyak na mabubulok sa bilangguan si Basilio o
mabibitay wala mang kasalanan.
Naisip niyang tulungan si Basilio. At may kung anong
nagbulong sa kanya na patulong kay Padre Camorra, ang nakapagpalaya kay Tandang
Selo. Kung sabagay, nang pasalamatan niya ang kura ay di ito nasiyahan. Humingi
ito ng “ pagpapasakit” pa. Mula noo’y iniwasan na ito ni Huli. Gayunman, may
mga binatang binambo ni Padre Camorra nang mangharana ang mga iyon sa dalaga.
May nangagsapantaha na ng di mabuti kay Huli ukol kay Padre
Camorra.Pinarunggitan siya sa paglalakad niya.
Mula noo’y naging malungkutin si Huli. Minsa’y naitanong kay
Hermana Bali kung nahuhulog sa impiyerno ang nagpapakamatay. Di natuloy ang balak
niya. Natakot siya sa impiyerno.
Ipinayo ni Hermana Bali na magtanong sila sa tribunal.
Kaunting pabagsak lang daw at papayuhan na sila nito. Ngunit ang tagasulat ay
walang nagawa o naipayo kundi patunguhin ang dalawang babae sa hukom pamayapa.
Sa wakas ay nagpayo ang hukom: “ Ang tanging makapagliligtas kay Basilio ay si
Padre Camorra – kung iibigin niya”, sabay turo kay Huli.
Hindi kumibo si Huli. Inaakala ni Hermana Bali na tumpak ang
payo. Ayaw ni Huli na magtuloy sila sa kumbento. Batid ni Hermana Bali ang
dahilan. Si Padre Camorra
ay tinaguriang Si Kabayo – sadyang malikot sa babae.
Nakiusap si Huli na ang manang na lamang sana
pumasakumbento. Wika ng hukom ay higit na mabisa ang pamanhik ng isang dalagang
may mukhang sariwa kaysa mukha ng isang matanda. Nanaog ang dalawa. Nang nasa
daan na’y ayaw na naman ni Huli. Ang pagpapakasakit na hinihingi ni Padre
Camorra ay pinagbingihan ni Huli mangahulugan ng di kapatawaran ng sariling
ama. Ngayon ba’y gagawin niya iyon dahil kay Basilio? Magiging isa siyang
lusak. Maging si Basilio’y mandidiri sa kanya.
May ilang nagparunggit na di siya papatulan ng kura.
Maraming dalaga sa bayan. Aanhin nito ang isang taganayon lamang. At babarilin
si Basilio!
Binangungot si Huli nang gabing iyon. Dugo! Sindak! Mga
putok. Nakita ang ama. Si Basilio’y naghihingalo.
Kinahapunan ng sumunod ng araw ay kumalat ang balitang may
mga binaril na sa mga estudyante. Ipinasiya ni Huli na kinabukasan uli ay
magsasadya na siya sa kumbento, mangyari na ang mangyari. Ngunit nang
mag-uumaga na’y di rin siya nagtungo sa kumbento. Dumaan ang mga araw. Umasa si
Huli sa isang himala. Gabi-gabi’y di siya pinatulog ng mga pangamba.
Sa wakas ay dumating ang balita mula sa Maynila na si
Basilio na lamang ang nabibilanggo. Nakalaya ng lahat ang kasamahan. Ipatatapon
na raw sa Carolinas si Basilio. Ito ang nag-udyok kay Huli na hanapin si
Hermana Bali. Nagbihis ng pinakamahusay na damit.
Kinagabihan ay naging usap-usapan ang nangyari kay Huli nang
hapong iyon. Tumalon sa bintana ng kumbento at patay na dinampot sa batong
nakabunton sa ibaba. Si Hermana Bali ay patakbong bumaba sa pinto ng kumbento
at nilibot ang daan at nagsisigaw at nagpupukpok sa pinto ng kumbento si
Tandang Selo. Itinaboy ito ng palo at tulak.
Kabanata 31
Ang Mataas na Kawani
Hindi man lamang nabalita sa mga pahayagan ang nangyari kay
Huli. Nangakalaya ang mga estudyanye. Una’y si Makaraig. Pinakahuli si Isagani.
Nabalita sa tulong ni Ben Zayb, ang pagiging mahabagin ng Heneral. Ang tanging
di nakalaya ay si Basilio.
Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata
raw at matatapos na ng panggagamot. Lalong napahamak si Basilio dahil lahat ng
sabihin ng Kawani ay tinututulan ng Heneral. At kailangan daw magkaroon ng
halimbawang di dapat tularan ang mga mahilig sa pagbabago. Si Basilio ay
pinagbintangan ng Heneral na gumamit ng bawal na aklat sa medisina. Sinabi ng
Kawani na dapat matakot ang Heneral sa bayan. Natawa ang Heneral wala raw
siyang pakialam sa bayan dahil ang naghalan sa kanya ay ang bayang Espanya
hindi ang bansang Pilipinas.
Kapag itinanggi sa isang bayan ang liwanag, tahanan,
katarungan at kalayaan ituturing ng bayan na magnanakaw ang nagtanggi ng mga
ito.
Nang nasa kanyang sasakyan na ang Mataas na Kawani ay nasabi
niya sa kanyang kutserong katutubo: “Kapag dumating ang araw ng inyong
pagsasarili ay alalahanin mong sa Espanya’y hindi nawalan ng mga pusong
tumitibok dahil sa inyo”.
Makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw sa tungkulin ang
Kawani at nagsabing siya’y uuwi sa Espanya lulan ng kasunod na koreo (bapor).
Kabanata 32
Ang Bunga ng mga Paskil
Dahil sa mga nangyayari sa mga estudyante ang maraming
magulang ay din a nagpaaral ng mga anak. Buti pa ang maglimayom o kaya’y
masaka.
Marami ang di nakasulit sa eksaming ibinigay ng serbisyo
sibil. Natuwa pa si Tadeo, sinigan ang kanyang mga aklat. Si Pelaez ay napatali
sa negosyo ng ama. Napasa-Europa si Makaraig. Si Isagani’y sa aklat lamang ni
Padre Fernandez nakasulit. Si Salvador ay nakapasa dahil sa kahusayang
magtalumpati. Si Basilio lamng ang di nakakuha ng pagsusulit. Nasa bilangguan
pa siya. Doon niya nabatid ang pagkawala ni Tandang Selo sa tulong ni Senong na
kutsero na tanging dumadalaw sa bilanggong kanayon.
Si Simoun ay mabuti na’t ayon kay Ben Zayb ay di mag-uusig
at sa halip ay madaraos ng isang pistang walang katulad bago umalis sa bayan.
Naipayo ni Ben Zayb na bilin ni Simoun ang bahay ni Kapitan
Tiago na nabili ng ama ni Pelaez. Mula noo’y madalas si Simoun sa tindahan ng
mga Pelaez na wika ng iba’y pinakisamahan na niya. At tumagal ang ilang linggo
ay nabalitang ikakasal si Juanito kay Paulita.
Higit na magkabagay si Juanito at Paulita. Kapuwa walang
isip at muning lampas sa pansariling kaligayahan kapwa anak-Maynila.
Hinintay-hintay ng buong Maynila ang piging sa kasal ng
dalawa. Si Simoun daw ang mamamahala. Ito’y ganapin dalawang araw bago umalis
ang Heneral. Ang mga taga-Maynila ay nakipag-agawan sa pakikipagkilalakay Simoun
upang sila’y anyayahan sa piging.
Kabanata 33
Ang Huling Matuwid
Araw ng pag-alis ni Simoun. Sasama na siya sa Kapitan
Heneral. Nakahanda na ang kanyang dadalhingmga alahas at lahat na. Paniwala ng
marami na hindi makapangahas magpaiwan si Smoun. Maring paghigantihan siya ng
mga galit sa kanya o pag-uusigin siya ng kahaliling Heneral.
Nagkulong si Simoun sa kanyang silid. Wala raw dapat
tanggapin kundi si Basilio. Dumating ang binata. Pinatuloy siya sa utusan Kay
laki ng ipinagbago ni Basilio. Payat na payat, gusot ang buhok at walang ayos
ang pananamit. Wala ang dating kaamuan sa kanyang mga mata.Matalim na ang mga
iyon. Para siyang bangkay na nabuhay. Maging si Simoun ay nagulumihan sa anyo
ng kababayan. Sinabi ni Basilio kay Simoun na siya ay naging masama na anak at
kapatid na nilimot niya ang pagkapatay ng kapatid kaya siya ay pinarusahan ng
Diyos. Siya ngayon ay nakahanda ng gumanti ng samasama. Sinabi niya na ang
pag-iwas niya sa gulo na tulad ng pakikiisa kay Simoun ay nagbunga lamang ng
kanyang pagkabilanggo Sasanib na raw siya kay Simoun.
Noon lamang nagsalita si Simoun . Nasa sa panig daw pala
niyang talaga ang katwiran. Ang kanyang usapin ay siyang usapin ng mga
sawimpalad na tulad ni Basilio.
Tumindig si Basilio na maaliwalas na ang mukha. Sinabi
niyang matutuloy na ang himagsikan dahil hindi na siya nag-aatubili. Sinabi ni
Simoun na ang mga ating mapayapa at ayaw ng gulo ang siyang nagtulak sa kanya
upang ipagtuloy ang kanyang mga balak. Kung noon sana’y nagkatulungan na ang
mga nasa sa mataas na lipunan at ang mga nasa ibaba ang gawain sana ay
mapagkawanggawa at hindi madugo at buktot.Sa mga imbi niya natagpuan ang
kanyang mga katulong. Kung sila man ay hindi makagawa ng makinis na estatuwa
sapat nang simulan nila ang paglilok at bahala na ang mga susunod sa kanila.
Di maunawaan ni Basilio si Simoun. Nagtuloy sila sa
laboratoryo. Sa mesa roon ay may isang kakaibang ilawan. Ang pinakalalagyan ay
anyong Granada, may bitak at naiino pa ang mga tila buto nito. Tinanggal ni
Simoun ang mitsa. Bakal na may dalawang sentimetro ang kapal na sisidlan na may
isang litrong gas. Binuhusan ito ni Simoun ng likido. Nabasa ni Basilio ang
nakatitik sa lalagyan ng likido – nitroglisirina.
Tumango si Simoun. Ipinaliwanag niya na ang granada ay hindi
isang payak na dinamita. Iyon daw ang mga tinipon na luha ng mga api na siyang
panglaban nila sa lakas at dahas. Noon lamang nakakita ng dinamita si Basilio.
Hindi makakibo ang estudyante. Tinurnilyuhan ni Simoun ang isang masalimuot na
kasangkapang inilagay sa ilawan.Sinabi ni Simoun na ang ilawan ay gagamitin sa
isang pista. Pagkaraan ng 20 minuto ang liwang nito’y mangungulimlim at kapag
ginalaw ang mitsa ay sasabog ang Granada kasunod ang mga supot ng pulbura sa
kainan at walang makaliligtas sa mga bisita ng kapistahan.
Nabigo ang pagkakagulong katulong sana ang mga artilyero dahil
sa kawalan ng pangangasiwa.Ngayon kailangan niya si Basilio upang mangunguna sa
labanan. . Kukunin nila sa tindahan ni Quiroga ang mga baril at patayin ang
lahat ng kalaban at ayaw sumama at patayin. Hindi na sinuri ni Basilio ang
narinig. Binulag na siya ng tatlo’t kalahating buwang pagkabilanggo.Nais niyang
maghiganti.
Kabanata 34
Ang Kasal ni Paulita
Nasa sa daan si Basilio. Ika-8 ng gabi. Makikituloy sana
siya kina Isagani nguni’t hindi umuwi ang kaibigan sa buong araw na iyon.
Dalawang oras na lamang at sasabog na ang ilawan ni Simoun. Maraming dadanak na
dugo. Marami ang mamamatay. Sinalat ni Basilio ang kanyang rebolber at mga
bala. Naalala niya ang babala ni Simoun na siya ay lumayo sa daang Anloague.
Naghinala si Basilio. Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay nasa
daang iyon.May binanggit na kasayahan si Simoun. Sa bahay na iyon idaraos ang
piging sa kasal nina Paulita at Juanito. nakita niyang dumating ang sasakyan ng
bagong kasal. Nahabag si Basilio kay Isagani. Naisip niyang yakaginng sumama sa
kanya si Isagani.Siya rin ang tumugon. Hindi papayag si Isagani sa gayong
madugong pagpatay sa marami. Hindi pa nararanasan nito ang nangyari sa kanya.
Nagunita niya ang pagkabilanggo, ang kabiguan sa
pag-aaral,ang nangyari kay Huli. Muling hinaplos ang puluhan ng rebolber at
ninasang dumating na sana ang sandaling hinihintay. Nakita niyang dumating si
Simoun. Si Sinong ang kutsero ni Simoun. Sumunod ang sasakyan ni Simoun sa mga
bagong kasal.
Nagtungo si Basilio sa Anloague. Doon ang tungo halos ng
lahat – sa bahy ni Kapitan Tiyago. Ang Kapitan Heneral ang ninong at dadalo sa
hapunan, dala ang isang tanging ilawang handog naman ni Simoun.
Ang mga dingding ng bahay ay dinikitan ng magagarang papel
ar magagarang aranya at mga bulaklak ang palamuti. Mga angkat ang alpombra.
Kurtinang pulang pelus na nabuburdahan ng ginto at may unang titik ng pangalan
ng mag-asawa. May tinuhog na artipisyal na bulaklak ng suha. Magarang- magara
ang bahay na iyon. Parang hapag ng mga diyoses ang pagdarausan ng hapunan. Ang
mesa para sa mga dakilang panauhin at mga diyus-diyusan ay sa asotea nakalagay.
Pipito ang doon ay luluklok.Naroon ang pinakamasarap at pinakamamahaling alak.
Ubos-kaya si Don Timoteo.Kung sinabi lamang ng Heneral na ibig nitong makain ng
tao, gagawin iyon ni Don Timoteo.
Kabanata 35
Ang Piging
Ikapito ng gabi nang magsisimulang dumating ang mga may
paanyaya. Una ang maliliit. Sunod ang palaki sa katayuan sa tungkulin at sa
kabuhayan. Lahat ay pinagpupugayan ni Don Timoteo.
Dumating ang bagong kasal. Kasama si Donya Victoria. Batian.
Kamayan. Naroon na sina Padre Salvi nguni’t wala pa ang Heneral. Nais tumungo
ni Don Timoteo sa palikuran nguni’t di siya makaalis at wala pa ang Heneral.
May pumintas sa mga kromo sa pader. Nagalit si Don Timoteo. Iyon saw ang
pinakamahal na mabibili sa Maynila. Sisisngilin daw niya ang utang ng namintas
kinabukasan.
Dumating na rin ang heneral. Nawal ang mga dinaramdam ni Don
Timoteo. May nagsabi na ang araw ng kapitan dahil natititigan na tio nang
harap-harapan.
Si Basilio ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga
nagdaratingan. Naawa siya sa mga inakala niyang mga walang malay na mamamatay
roon. Naiisip na bigyan ng babala ang mga iyon. Nguni’t siyang pagdating ng
sasakyan nina Padre Slavi at Padre Irene. Nagbago siya ng isip.
Hindi ako dapat magmalabis sa pagtitiwalang inilagak sa
akin. Ako’y may utang na loob sa kanya; sa kanila’y wala. Siya ang humukay ng
libingan ng aking ina na pinatay nila. Ako’y nagpakabuti; pinagsikapan kong
magpatawad, ano ang ginawa sa akin? Mangamatay na nga sial na ang aming pagtitiis,
nasabi ni Basilio.
Nakita niya si Simoun, dala ang ilawan. Waring
kakila-kilabot ang anyo ni Simoun na naliligid ng apoy. Parang nag-alinlangan
sa pagpanhik sa hagdan si Simoun. Nguni’t nagtuloy rin ito. Nang dumating ang
Kapitan Heneral ay sandaling nakipag-usap dito at sa ibang naroon ang
mag-aalahas. Saka ito nawala sa paningin ni Basilio.
Namayani na naman ang kabutihang-loob ni Basilio. Nalimot
ang ina, ang kapatid, si Huli, ang sariling kaapihan. Ninais na iligtas ang
nangasabahy. Nguni’t hinadlangan siya ng mga tanod dahil sa marusing niyang
anyo. Namutla si Simoun nang makita si Basilio na iniwan ng tanod-pinto upang
magpugay sa mag-aalahas. Matigas ang mukha ni Simoun na tumuloy sa sasakyan at
nag-utos. Sa Eskolta. Matulin!
Mabilis ding lumayo si Basilio. Nguni’t may nakita siyang
isang lalaking tatanaw-tanaw sa bahay. Si Isagani! Niyaya niya itong lumayo.
Marahang itinulak ni Isagani ang kaibigan. Nagpilit si Basilio. Bakit ako
lalayo Bukas ay hindi na siya ang dati. May hapdi ang tinig ni Isagani.
Ipinaliwanag ni Basilio ang ukol sa ilawan. Hinila niya si Isagani. Tumutol
ito. Mabilis na lumayo si Basilio.
Nakita ni Isagani na nagtungo sa kainan ang mga tao. Naisip
niyang sasabog ang bahay kasama si Paulita. Mabilis na nagpasya ito.
Sa loob ay nagkatagpo ang nagpipiging ng isang kaputol na
papel na ganito ang nakasulat.
MANE THACEL PHARES
JUAN CRISOSTOMO IBARRA
Isa raw biro iyon, ani Don Custodio. Patay na raw si Ibarra.
Nang makita ni Padre Salvi ang papel at sulat ay namutla ito. Sinabi nitong
iyon nga ang lagda ni Ibarra. Saka nahilig sa sandigan ng silya ang kura
nanlambot sa takot.
Nagkatinginang takot na takot ang lahat. Tatawag sana ng mga
kawal ang Kapitan Heneral. Walng nakita kundi mga utusang di niya kilala.
Nagkunwang hindi takot. Magpapatuloy tayo sa pagkain, aniya. Huwag intindihin
ang isang pagbibiro.
Nguni’t nagsalita si Don Custodio. Ipinalagay kong ang
kahulugan ng sulat ay papatayin tayo ngayong gabi .
Di nakakibo ang lahat. May nagsabi. Baka lasunin tayo.
Binitiwan ang mga kubyertos. Lumabo ng ilawan.
Iminungkahi ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas ng
huli ang mitsa ng ilawan. Biglang may mabilis na pimasok, tinabig ang utusang
humadlang, kinuha ang ilawan, itinakbo sa asotea at itinapon sa ilog, May
humingi ng rebolber, may magnanakaw raw. Ang anino ay tumalon sa rin sa ilog.
Kabanata 36
Mga Kapighatian ni
Ben Zayb
Mula sa bahay ni Kapitan Tiyago ay patakbong tinungo ni Ben Zayb
ang kanyang tanggapan upang sulatin ang pangyayari. Pinalabas niyang bayani ang
Kapitan Heneral, sina Padre Irene, Don Custodio at Padre Salvi. Ang lathalain
ay isa ring paghahangad ng mabuting pagyao at paglalakbay ng Heneral.
Ngunit ang kanyang isinulat ay ibinalik sa kanya ng patnugot
ng pahayagan. Ipinagbawal ng Heneral ang pagbanggit ng ano mang ukol sa
pangyayari.
Dumating ang balita mula sa Pasig. Nilusob dawn g maraming
tulisan ang bahay-pahingahan ng mga prayle at nakatangay ng may dalawang libong
piso. Malubha ang isang prayle at dalawang utusan. Gumalaw ang guni-guni ni Ben
Zayb. Gagawin niyang bayani ang kura na sa pagtatangol ay nagkasira-sira ang
isang silyang ginamit laban sa mga tulisan.
Nagtungo siya sa Pasig. Natagpuan niyang ang nasugatan ay si
Padre Camorra. Doon siya pinapagtika sa kasalanang ginawa sa Tiyani. May isang
maliit na sugat sa kamay at may pasa sa ulo. Tatlo ang mga magnanakaw na may
taglay ng gulok. Limampung piso ang nanakaw. Ayon kay Ben Zayb ay hindi tama
ang salaysay ni Padre Camorra. Kailangan daw gawing marami ang mga tulisan.
May nadakip sa mga tulisan. Sila raw ay inanyayahang sumama
sa pangkat nina Matanglawin upang sumalakay sa kumbento at mga bahay ng
mayayaman. Pangungunahan sila ng isang Kastila na mataas, kayumanggi, puti ang
buhok at ang pasabi’y kumikilos sa utos ng Kapitan Heneral na kaibigan niyang
matalik. Katulong pa raw nila ang mga artilyero. Wala raw dapat ikatakot. Ang
hudyat daw ay isang malakas na putok. Walang putok. Inakala ng mga tulisan na
sila ay nilinlang. Nagsiurong ang ilan Ang iba’y nagsibalik sa bundok. Balak
nilang maghiganti sa Kastila na makalawa nang lumoko sa kanila. Ang tatlong
tulisan ay nagpasiyang manloob.
Ayaw paniwalaan ang mga tulisan sa paglalarawang si Simoun
ang puno nila. Nguni’t si Simoun ay di matagpuan sa bahay niya . Maraming bala
at pulbura roon. Si Don Custodio ay naghanda ng habla laban kay Simoun. Mabilis
na kumalat ang balita ukol sa mag-aalahas. Marami ang di makapaniwala.
Kabanata 37
Ang Hiwagaan
Nabatid din ng madla, sa likod ng pagpigil sa balita, ang
mga pagbabangon at mga supot ng pulbura . Ito ang naging paksa ng usapan ng
lahat - palihim nga lamang. Si Chikoy kasi, payat na platero. Ay nagdala ng
hikaw para kay Paulita nang tinatanggal na ang mga palamuti at mga hapag sa
bahay ni Kapitan Tiyago at nakita niya mismo ang suput-supot na pulbura sa
ilalim ng mesa, sa silong, sa bubungan, sa likod ng mga upuan.
Ayon daw kay G. Pasta ay iisa ang maaring gumawa ng
gayon-isang kaaway ni Don Timoteo o kaagaw ni Juanito.
Naroon sa bahay ng mga platero si Isagani. Anang may-aring
si Kapitan Loleng ay magtago si Isagani.
Ngumiti lamang si Isagani.
Nagpatuloy si Chikoy. Dumating daw ang mga sibil. Wala
namang mapgbintangan. Si Don Timoteo lamang daw at si Simoun ang nangasiwa sa
pag-aayos ng bahay na iyon. Pinaalis daw ang lahat ng mga di kailangan sa
imbestigasyon.
Naku, kung may isa man lang daw na nanigarilyo sa mga
trabahador, sasabog ang buong daan ng Anlogue. Kung sumabog daw ang mga pulbura
ang noong gabi.
Nangatakot ang mga babae. Naghulaan kung sino ang
pinaghihinulaan. Mga prayle. Si Quiroga. Isang estudyante. Si Makaraig. At
tumingin si Kapitan Toringgoy kay Isagani. Ani Chikoy: ayon sa ilang kawani, si
Simoun. Nagtaka ang lahat.
Naalala ni Momoy, isang dumalo sa piging, ang pagalis ni
Simoun sa bahay bago magsimula ang hapunan.
Si Simoun daw ay nawawala, patuloy ni Chikoy. Kasalukuyang
ito’y pinaghahanap ng mga sibil. Lalong nabuo sa isip ng mga kababaihan ang
pagiging demonyo ni Simoun na nagkakatawang-tao.
Naalala uli ni Momoy ang pagkakaagaw sa ilawan ni Simoun na
nuo’y namamatayan ng ningas. Nagpayo’t dito sa silid ni Isagani.Nagpatuloy si
Chikoy.Tinataya raw ng mga maykapangyarihan na ang ilawan ay siyang
magpapasiklab sa pulbura.
Nahintakutang gayon na lamang si Momoy. Nguni’t nang makita
ang kasintahang si Siensa na nakatingin sa kanya ay nagtapang-tapangang
nagsabi: Masama ng ginawa ng magnanakaw. Mamatay sanang lahat! Nag-antanda sa
takot ang lahat ng matanda at babae. Lumapit si Momoy kay Isagani.
Hindi nga mabuting kumuha ng di kanya. Ani Isagani na
mahiwang nakangiti. Kung nalaman lamang ng magnanakaw na iyon kung ano ang
nilalayon .kung siya ana ay nakapag-isip-isip tiyak na di niya gagawin ang
gayon. Pantayan man ng kahit ano . Hindi ako tatayo s kanyang kalagayan!
Saka nagpaalam si Isagani. Ngunit upang hindi na bumalik pa
sa kanyang amain.
Kabanata 38
Kasawiang-palad
Buong Luzon halos ang nilaganapan ni Matanglawin sa kanyang
panunulisan. Siya’y pumatay sa hukom pamayapa sa Tiyani, nanunog, nangulimbat.
Ngayo’y sa Batangas, bukas ay sa Kabite, di maglilipat-araw ay sa Tayabas,
pagkatapos ay sa Panggasinan o sa Albay. Laging naliligtasan ni Matanglawin ang
mga habol sa kanya. At sa kawalangkaya ng mga sibil sa dumakip sa mga tulisan
ay mga magsasakang walang sala ang kanilang dinarakip.
May anim o pitong magsasaka ang dinakip ng mga sibil matapos
ang isang pagsalakay ni Kabesang Tales. Abut-siko at kabit-kabit ang gapos ng
mga ito na inilakad nang tanghaling tapat sa kainitan ng Mayo walang sombrero
at nakayapak. Ang pawis nila’t alikabok ay nagpuputik sa kanilang mukha ang
magkahalong poot at kawalang pag-asa.
Ni hindi nila mapahid ang mahapding pawis na sumisigid sa
kanilang mga mata. Kung may isang nabubuwal sa hapo at gutom ay hinahagupit
silang lahat at ang nabuwal ay makakaladkad sa kanilang pagtakbo. Sumisigaw ang
nabuwal na patayin na siya. Umiiyak. Parang bata. Isinusumpa ang oras ng
kanyang pagsilang.
Nilalait pa sila ng mga guwardiya sibil. Nguni’t may isang
sibil na tutol sa gayong pagmamalupit. Nang di makatiis ay sumisigaw na rin ito
sa mapagparusa: Hoy, Mautang, bayaan mo silang magsilakad nang payapa!
Nagpakikilalang bago ka nga lamang Carolino patuya pang
tugon ni Mautang. Ano ba ang ginagawa ninyo sa mga bihag ng digma?
Pinakukundanganan namin. Tugon ni Carolino:
Mangyari’y kaaway na nagsilaban ang mga iyon ang mga ito’y
mga kababayan natin! ganti ng mapagpahirap. At bumubulong kay Carolina:
Ginaganyan natin iyan upang lumaban o tumakas at nang barilin na lamang natin.
Isang bilanggo ang sinumpong ng pagdumi o pag-ihi marahil at
nakiusap na payagan muna siyang makatigil nang sandali. Di siya pinayagan.
Mapanganib daw ang lugal na iyon. Naliligid sila ng bundok.
Higit kang malupit pa kaysa mga Kastila, anang bihag.
Isang putok nang narinig. Gumulong-gulong si Mautang tutop
ang dibdib na nilabasan ng dugo sa bibig
Alto! Sigaw ng kabong putlang-putla. (matatapang lamang sa
walang laban). Isang putok pa at ang kabo naman ang tinamaan sa bisig at
namaluktot sa sakit.
Itinuro ng kabo ang mga bilanggo. Fuego! sigaw niya. At ang
mga bihag ay pinagbabaril. Saka pa lamang lumaban ng putukan sa mga nasa
batuhan sa bundok. Ang mga nasa batuhan ay tinayang may tatatlong riple lamang.
Lumusob ang mga sibil. Ang unang umakyat patungo sa pinangungublihan ng mga di
kilalang kalaban ay gumulong-gulong na pababa.
Hala, Carolino! Nahan ang mabuti mong pagpapatama! pasigaw
na wika ng kabo.
Isang lalaki ang biglang lumitaw sa ibabaw ng isang
talampas. Nagwawasiwas ito ng baril.
Paputukan! sigaw ng kabo kasabay sa pagmumura.
Tatlong kawal ang nangagputok. Patuloy na may isinisigaw ang
lalaki. Hindi siya mauunawaan.
Natigilan si Carolino. Parang nakilala niya iyon. Tinutukan
siya ng baril ng kabo. Ipinagbabaril sa kanya ang lalaki. Tumalima si Carolino.
Gumulong at nawala sa talampas ang lalaki. May isinigaw ito. Natulig si
Carolino.
Parang nagsitalilis ang mga nagtatago sa itaas. Lumusob ang
mga sibil. Isa pang lalaki ang lumitaw, sa talampas. Iniamba ng lalaki ang
sibat. Pinaputukan siya ng mga kawal. Nabulid ang lalaki.
Ang unang umabot sa kaitaasan ay may dinatnang matandang
lalaking naghihingalo. Binayuneta ito. Di man lamang kumurap ang matanda.
Nakatingin kay Carolino. Nakaturo ang daliri sa likod ng talampas.
Gulila’t at putlang-putla si Carolino. Nakilala niyang ang
matanda’y ang ingkong niyang si Tandang Selo. Nakita niyang ang mga nanlalalim
na mata ng matanda ay mga salamin ng matinding hinanakit. At nang mamatay ito
ay patuloy na may itinuturo sa likod ng talampas.
Kabanata 39
Katapusang Kabanata
Malungkot na tumugtog ng kanyang armonyum si Padre
Florentino. Kaaalis ni Don Tiburcio de Espadana na nag-akalang siya ang
Kastilang tinutukoy sa telegrama na darakpin daw sa gabing iyon. Inakalang
siya’y natunton na ni Donya Victorina.
Ang telegrama ay pinabasa ng tenyente ng guwardiya sibil sa
bayan kay Padre Florentino sa ngalan ng pagkakaibigan. Anang telegrama:
“Espanyol escondido casa Padre Florentino cojera remitara vivo muerte”.
Ang totoo, si Simoun ang Kastilang tinutukoy sa telegrama.
Sugatang dumating doon si Simoun may dalawang araw na. Di man lamang siya
inusisa ay tinanggap siya ng pari. Hindi pa nakabalita ang pari ng nangyari sa
Maynila. Inakala ng pari na dahil wala na ang Kapitan Heneral ay may
nagtangkang maghiganti kay Simoun. Ang sugat niya’y buhat daw sa
kawalang-ingat, ayon sa mag-aalahas. Nagkasiya ang pari sa mga palagay. At
nakatulong ang hinala ng pari na si Simoun ay tumakas samga kawal na tumutugis
nang tanggapin nito ang telegrama.
Si Simoun ay tumangging paggamot pa sa mediko sa kabesera.
Pumayag siyang paalaga kay Dr. de Espadana lamang. Malubha ang mga sugat ni
Simoun.
Tumigil sa pagtugtog si Padre Florentino. Iniisip ng pari
ang kahulugan ng pakutyang ngiti ni Simoun nang mabatid nito ang tungkol sa
telegrama at sa ikawalo ng gabi ang dating mga darakip. Naisip ni Padre
Florentino na isang taong palalo si Simoun. Dati’y makapangyarihan, ngayo’y
kahabag-habag. Nguni’t bakit sa kanya pinili ni Simoun na makituloy? At
darakpin na lamang nang patay o buhay ay nakukuha pang ngumiti nang pakutya.
Inisip ni Padre Florentino kung paano maililigtas ng isang paring Pilipino si
Simoun gayong noong kapanahunan nito ay humamak sa kanyang pagkamahabang-uri ng
pagkapari at pagka-indiyo.
Di pinansin ni Simoun ang pakisuyo ni Padre Florentino may
dalawang buwan ang nakalilipas upang tulungang makalaya si Isagani sa piitan.
Si Simoun ang gumawa ng mga kaparaanan upang mapadali ang pagaasawa ni Paulita
kay Juanito na lubos na ipinagdamdam ni Isagani at ikinalalayo nito sa mga
kapwa tao. Nilimot ni Padre Florentino ang lahat. Wala siyang inisip kundi ang
pagliligtas kay Simoun. Nguni’t parang walang pagnanasang mailigtas ni Simoun
ang sarili.
Pumasok si Padre Florentino sa silid ni Simoun. Wala nang
mapangutyang anyo sa mukha ni Simoun. Waring isang lihim na sakit ang noon ay
tinitiis ng mag-aalahas.
Napaghulo ng pari na uminom ng lason si Simoun. Nabaghan ang
pari.
Tinangka ni Padre Forentino na ihanap ng lunas si Simoun.
Pasigaw na sinabi ng mag-aalahas na huwag na silang mag-aksaya ng panahon dahil
mamatay siyang dala niya ang kanyang lihim. Ang pari ay lumuhod sa kanyang
reclinatorio (luhuran sa pagdarasal) at nanalangin sa paanan ng imahen ni
Hesukristo at pagkatapos ay buong kabanalang kanyang inilapit ang isang silyon
sa maysakit, at tumalagang makinig.
Ipinagtapat ni Simoun ang tunay niyang pangalan. Halos
nasindak ang pari. Malungkot na ngumiti ang maysakit. Tinakpan ng pari ng panyo
ang mukha at tumungo upang makinig. Isinalaysay ni Simoun ang kanyang buhay.
Labintatlong taon siya sa Europa. Nagbalik siyang puno ng pangarap at
pag-asa.Pinatawad ang mga nagkasala sa kanyang ama pabayaan lamang siyang
mabuhay nang payapa. Ngunit mahiwagang mga kamay ang nagtulak sa kanya sa isang
kaguluhang gawa-gawa at ang lahat ay nawala sa kanya.: pangalan, yaman,
pag-ibig, kinabukasan, kalayaan at naligtas lamang siya sa kamatayan sa tulong
ng isang kaibigan. Tinika niyang maghiganti. Nangibang bansa siya dala ang
bahagi ng kayamanan ng kanyang magulang at siya’y nangangalakal. Nakilahok siya
sa himagsikan sa Kuba. Nakilala niya roon ang kapitan heneral na noon ay
kumandante pa lamang. Pinautang siya. Naging kaibigan matalik dahil sa
kawalanghiyaan ng kapitan na si Simoun ang nakaalam. Sa tulong ng salapi ay
nakuha niyang maging kapitan heneral ang kaibigan at naging sunud-sunuran sa
kanya dahil sa katakawan sa salapi.Inupatan niya ang kapitan sa paggawa ng
maraming kabuktutan.
Mahaba ang pagtatapat ni Simoun at gabi na nang matapos.
Sandaling naghari ang katahimikan. Inihingi ng tawad ng pari ang mga
pagkukulang ni Simoun at hiniling niya kay Simoun na igalang ang kalooban ng
Diyos Mahinahong nagtanong si Simoun kung bakit hindi siya tinulungan ng Diyos
sa kanyang layunin. Ang sagot ng pari ay dahil masama ang kanyang
pamamaraan.Hindi maililigtas ng krimen at kasamaan ang mga dinumihan ng krimen
at kasamaan.Ang poot ay walang nalilikha kundi mga panakot ; ang krimen ay mga
salarin ang nalilikha. Pag-ibig lamang ang nakagagawa ng mga bagay na dakila.
Ang katubusan ay kabutihan; ang kabutihan ay pagpapasakit, ang pagpapasakit ay
pag-ibig.
Tinanggap ni Simoun ang lahat na sinabi ng pari. Inamin
niyang siya ay nagkamali. ngunit naitanong niya ng dahil ba sa magkakamaling
iyon ay ipagkait na ng Diyos ang kalayaan ng isang bayan at ililigtas ang
napakaraming higit pang salarin kaysa sa kanya. Ang matatapat at mababait ay
nararapat na magtiis nang ang mga adhika nila ay makilala at lumaganap.Ang
nararapat na gawin ay magtiis at gumawa ang tugon ng pari.
Napailing si Simoun. Ang magtiis at gumawa ay madaling
sabihin sa mga hindi pa nakaranas ng pagtitiis at paggawa. Anong klaseng Diyos
ang humingi ng ganoon kalaking pagpapasakit. Sinabi ng pari ay ito raw ang
isang Diyos na makatarungan.Diyos na nagpaparusa sa kakulangan natin ng
pananalig at sa mga gawa nating masama.Pinabayaan natin ang kasamaan kaya’t
katulong tayo sa paglikha nito. Ang kalayaan ay di natin dapat tuklasin sa
tulong ng patalim. Tuklasin natin ito sa tulong ng nagpapataas ng uri ng
katwiran at karangalan ng tao.. Gumawa tayo ng mabuti , tapat at marangal
hanggang mamatay tayo dahil sa kalayaan.
Pinisil ni Simoun ang kamay ng pari. Naghari ang
katahimikan. Dalawang pisil pa. Nagbuntunghininga si Simoun. Higit na mahabang
katahimikan.
Nang mapunang hindi umiimik ang maysakit ay pabulong na
nagwika si Padre Florentino; “Nasaan ang kabataang naglalaan ng magagandang
sandali, ng kanilang mga pangarap at kasiglahan alang-alang sa ikabubuti ng
kanilang bayan ? Saan naroon ang handang magpakamatay upang hugasan ng dugo ang
napakaraming pagkakasala? Upang karapatdapat ang pagpapakasakit ito’y
kailangang malinis at busilak. Nasaan ang kabataang may lakas na tumanan na sa
aming mga ugat, ng kalinisan ng diwa na narumihan na sa amin, ng apoy ng sigla
na patay na sa aming puso? O kabataan, kayo’y aming hinihintay!”
Nangilid ang luha sa mga mata ng pari. Binitawan ang kamay
ni Simoun. Lumapit sa durungawan. May kumatok na utusang nagtanong kung
magsisindi na ng ilawan. Sa tulong ng isang lampara ay tinanglawan si Simoun.
Hinipo ito; nabatid na ito ay patay na.Lumuhod at nanalangin si Padre
Florentino.
Tinawag ang mga utusan, pinaluhod at pinagdasal. Umalis sa
silid si Padre Florentino, kinuha ang takbang bakal ni Simoun. Dinala ito sa
talampas na laging inuupuan ni Isagani upang sisirin ng tingin ang kalaliman ng
dagat. Doon ay inihagis ng pari ang mga takba ng brilyante at alahas ni Simoun.
Nilulon ng dagat ang kayamanang yaon.